^

PSN Showbiz

Sharon pumiyok sa pagpapa-lipo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Tuluy-tuloy pa rin ang ginagawang pagpapapayat ni Sharon Cuneta para sa kanyang mga tagahanga. Sinimulan daw ito ng Megastar noong naramdaman niyang bumigat na ang kanyang timbang. “I did what I had to do. Kasi no’ng napanood ko ‘yung sarili ko sa birthday special ng ASAP for me, I was shocked. I felt small. I never let my physical obstacles that I had been carrying on my back. I never let those define me, pero nahiya ako sa fans ko. As an actress, you’re supposed to keep yourself looking like a leading lady and apparently, I had really crossed the line. And that was a real wake up call,” pagbabahagi ni Sharon.

Marami nang nasubukang diet program at naranasan na ring magpa-liposuction ng aktres noon hanggang sa madiskubre ang isang all natural method sa pagpapapayat. “I wanted to challenge myself. I said, ‘Can you do it? Yes, you can! Test your willpower! You know who you are inside. You’ve been through things worse than this. Taba lang ito!’ So before the ‘ASAP’ tribute, I have gained more than 30 pounds nang hindi ko alam. So from January until now, I’ve lost 66 pounds,” kwento ni Sharon.

Samantala, abala na ngayon ang Megastar para sa kanyang concert na gaganapin sa The Theater ng Solaire sa October 15 at 22.

Julia dapat kabahan Yassi gusto nang kasama si CoCo

Si Yassi Pressman ang pinakabagong katambal ni Coco Martin ngayon sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon kay Yassi ay nagkakilala lamang sila ni Coco nang nagsimulang mag-taping para sa serye. “Nag-meet po kami sa set lang ng Probinsyano. Doon ko rin lang siya nakilala. Sobrang mabuting tao pala niya,” bungad ni Yassi.

Para kay Yassi ay mayroon si Coco ng lahat ng katangian na hinahanap niya sa isang kasintahan. “Oo, I’m pretty sure na masasabi rin naman ‘yon ng lahat ng tao dahil maasikaso naman po talaga si Coco,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Walang nobyo ngayon si Yassi kaya posible kayang magkaroong sila ng espesyal na ugnayan ng aktor? “Hindi ko po alam. Basta ang alam ko lang po, si Coco ay napakabait, napaka-passionate, napaka-hardworking,” sagot niya.

Samantala, bilang baguhan sa industriya ay nagpapasalamat si Yassi na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang ilang beteranong artista katulad nina Susan Roces, Jaime Fabregas at Eddie Garcia. Marami raw natututunan ang aktres mula sa kanyang mga kasamahan kaya hinihiling nitong huwag siyang mawala sa nasabing soap opera. “Sana hindi ako mamatay. Sana walang mangyari sa akin. Sana lagi akong ma-save ni Cardo (karakter ni Coco),” pagtatapos ni Yassi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with