^

PSN Showbiz

Alex parang si Toni ang akting, ilong ni Joseph ipinagtanggol

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naurirat si Joseph Marco sa isyung nagpa-nose job siya nang makausap ng mga reporter pagkatapos ng premiere night ng My Rebound Girl. Naba-blind item ang leading man ni Alex Gonzaga sa Regal Films movie na showing na ngayon dahil mas tumangos daw ang ilong at mas gumuwapo ito.

Hinawakan ni Joseph ang ilong para itanggi ang tsismis at ang sabi, pumayat lang siya kaya mas nakita ang hugis ng mukha niya. Ang nakarating sa kanyang tsismis, nagpalagay siya ng panga na hin­di rin daw totoo. Kaya lang, hinintay ng mga reporter na kausap nito na ipahawak ni Joseph ang controversial niyang ilong, pero hin­di nito ginawa o baka naman nakalimutan lang.

Pati nga si Alex, idinenay ang is­yung nose job ni Joseph, wala raw itong time para magpaayos ng ilong dahil sa sobrang busy nito sa pagpu-promote ng My Rebound Girl.

Samantala, may chemistry sina Alex at Joseph at mas magan­da kung masusundan ang My Rebound Girl para mas ma-establish ang loveteam nila. Payag na rin ang parents ni Alex na magka-boyfriend siya dahil nasa tamang edad na ito.

Present sa premiere night ng Regal Films movie ang pamilya ni Alex pati ang buntis niyang ate na si Toni Gonzaga-Soriano. Kasama nito ang mister na si director Paul Soriano at nakita rin namin maging si Bimby Aquino.

May mga eksena naman sa movie si Alex na parang si Toni at napansin din niya ito. Hindi raw niya ginaya ang ate at nag-agree sa press people na hindi niya namamalayan na nagaya niya ang acting ng kapatid.

Panganganak ni Toni gagawan ni Direk Paul ng ‘movie’!

Speaking of Toni, nabanggit dati ni Direk Paul na kukunan niya ng video ang panganganak ng misis mula sa pagpasok sa OR hanggang iluwal nito ang baby boy nila. This week na raw manganganak si Toni sa St. Luke’s Medical Center Global na sa rami nang nagbigay ng baby stuff, hindi na nila kaila­ngang bumili pa.

Rodjun nanggulat sa Encantadia

Nagkagulo ang viewers ng Encantadia sa paglabas ni Rodjun Cruz sa fantaserye bilang luma­king Pao Pao. Mixed ang reaction ng mga nakapanood dahil may nalungkot at akala’y hindi na nila mapapanood si Yuan Francisco (gumaganap na Pao Pao) at mami-miss nila ang kakyutan nito.

Marami rin ang natuwa dahil seksi at may abs ang malaking si Pao Pao. Pati ang kapatid ni Rodjun na si Rayver Cruz, ang friend nitong si Edgar Allan Guzman at ang GF na si Dianne Medina ay nag-congratulate kay Rodjun.

Formal na winelcome ni direk Mark sina Rodjun, Cheska Iñigo, at Ervic Vijandre sa Encantadia family.

Nar kulang sa pagpapatawa

Si Nar Cabico ang choice nina Jennylyn Mercado, Aicelle Santos, at Christian Bautista, host at judges ng Superstar Duets na manalo sa kakaibang singing competition ng GMA-7. Si Nar din ang choice ng co-contestants niyang sina Divine Aucina, Jerald Napoles, at Joross Gamboa.

Sabi ni Jerald, walang tatalo sa boses ni Nar sa kanilang mga natitirang contestants. Ang dami pa nitong alam tugtuging musical instruments at nagsusulat pa ng kanta.

Ang kulang na lang kay Nar, sabi ni Christian ay ang comedy aspect at punchlines na kailangan dahil comedy singing contest ang Superstar Duets. Dito lamang sina Joross at Jerald na laging maraming baong punchlines.

May bagong set na ng impersonators ang ma­papa­nood sa Sabado, na ginaya sina Lady Gaga, Bon Jovi, Tom Jones Katy Perry at iba pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with