^

PSN Showbiz

Sarah tinapos na ang pamamahinga!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Linggo ay nag-post si Rachelle Ann Go sa kanyang Instagram account ng larawan na kasama sina Sarah Geronimo at Yeng Constantino. Nagtanong din si Rachelle Ann kung gusto ba ng followers na gumawa silang tatlo ng remake ng pelikulang Do Re Mi na pinagbidahan nina Regine Velasquez, Mikee Cojuangco at Donna Cruz noong 1996. 

Ayon naman kay Sarah ay siya ang nakaisip ng ideya tungkol sa remake ng nasabing pelikula kaya nai-post ni Rachelle Ann. “Ako ang nagsabi no’n sa kanya. No’ng sinend niya sa akin ‘yung photo, sabi ko, ‘Wow! Pwede ng ‘Do Re Mi’. Si ate Shin (Rachelle Ann) si Regine, ako si Mikee and si Yeng si Donna. Kung tototohanin, why not? It will be an honor to do a remake ng ‘Do Re Mi,’” nakangiting kwento ni Sarah. 

Samantala, balik-trabaho na ang aktres pagkatapos ng kanyang dalawang buwang bakasyon. “Yes, 100% back na. ‘Yung mindset ko is talagang energized, mas motivated to work even harder. Kasi dumarating din sa stage ng buhay natin na ano ba ‘yung purpose ko, bakit ko ba ito ginagawa, ano ba ‘yung kulang? And then I realized na you don’t work for other people to please them. ‘Yung main goal mo dapat is to share whatever you have. Kung ano ‘yung ibinigay sa ‘yo ng Panginoon, regardless kung magbunga siya ng konti or sangkatutak. Ang pinaka-importante is to glorify and honor Him sa kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo,” pagbabahagi ni Sarah. 

Sa ngayon ay ang pagkanta muna raw ang pagtutuunan ng panahon ng dalaga. “I’d like to focus more sa music ko at i-promote ‘yung mga nakaraang album ko. Hindi ko kasi talaga na-promote nang maayos. We are planning na talagang mailabas ‘yung magagandang tracks dito sa latest album ko. Pitching pa lang ng new movie. Concert planning stage pa lang din po, TV shows, wala pa po,” pagtatapos ng aktres.

JC nahirapang maging bakla

Nahirapan daw si JC de Vera sa pinakabagong karakter na kanyang ginampanan sa pelikula. Isang bakla na sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs  ang role ng aktor sa independent film na Best Partee Ever. “I know it’s outside of my box and for me, it’s really challenging. Hindi ko kasi na-imagine ang sarili ko na gumagawa ng isang character na hindi ako kumportable,” bungad ni JC. 

“’Yon ang first jump ko sa paggawa ng pelikula na ito, na kailangan kong gumawa ng hindi ako comfortable,” dagdag ng aktor. 

Ipinagmamalaki ni JC ang kanilang pelikula dahil napapanahon ito sa mga nangyayari ngayon sa bansa. “Very timely lang talaga. ‘Di ko rin siya ini-expect na lahat ng nangyayari sa government ay sa-swak sa movie namin. I’m just very, very excited to watch this film,” giit ng binata.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with