^

PSN Showbiz

Dating sexy actress na si Sabrina M. biglang ‘sikat’ sa droga!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip pala ang dating sexy star na si Sabrina M. sa isang buy bust operation noong isang gabi. Hindi na gaanong kilala ang nasa­bing sexy star na nagbida sa mga pelikulang Favorite Subject: Sex Education (1999), Biktima: Campus Coed (2003), and Karanasan: The Claudia Zobel Story (1995).

Makikita pa sa isang video ang paghithit niya ng droga na nagkalat kahapon sa social media. Meron na ring mugshots ang dating sexy star.

May ilang nakakaalala kaya naman trending agad siya sa Twitter kahapon.

Anyway, any moment daw ay papangalanan na ang iba pang mga gumagamit at nagtutulak ng droga sa showbiz. Hintay-hintay lang daw dahil bini-verify lang na maigi. Pero marami raw talaga ang sasabit.

Kaya pinasabog ang pagiging tatay ni Jake, kapatid ni Andi may pino-promote na indie film!

Makatulong kaya sa indie film ng aspiring actress na si Max Eigenmann ang ginawa niyang pagbubuko na si Jake Ejercito ang totoong tatay ng anak ng kapatid niya sa amang si Andi Eigenmann?

Yup, may pelikula palang pino-promote si Ms. Max sa kasalukuyan kaya siya nagpa-interview kamakailan sa isang podcast show at doon nga nabanggit ang tungkol sa anak ni Andi na si Ellie.

Ang nasabing indie kaya ang rason kaya hindi nagsasalita sina Andi at Jake at maging ang kanilang mga magulang?

Nananatili kasing tahimik ang magkabilang kampo sa kabila ng pasabog ni Max.

Iniisip kaya nila na baka magamit sila sa promo ng indie na makikipag-compete raw sa isang international filmfest?

Matagal na raw alam ng dalawang kampo na si Jake naman talaga ang ama ng bata.

From the start ay may ilang nagsabi na apo nga ni Mayor Erap Estrada ang baby ni Andi. Pero matigas ang pagtanggi noon ni Jake. Nagkasuspetsa lang ang marami nang ma­ging close na sila sa social media posts ng anak ni Andi na si Ellie na si Albie Casiño ang itinuturong ama noong una.

News reader ng AM radio walang malay sa nangyayari sa showbiz

Parang walang kamalay-malay ang isang news reader sa radio sa nangyayari sa showbiz.

Kahapon ay kausap niya ang presidente ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) na si Rez Cortez at ang topic nila ay ang lumutang na balitang umano’y 50 artista ang nasa listahan ng drug pushers and users na papangalanan na anytime ng mga kinauukulan.

Sinasabi ni Mr. Cortez na sana naman ay dumaan sa tamang proseso ang lahat. Na ipa-drug test muna at nakahanda silang tumulong sa anumang paraan sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.

So tinanong siya ng news reader kahapon. ‘Alam n’yo ba sinu-sino ang mga nagsu-supply sa kanila’ or something to that effect?’

Eh ‘di ba kaya nga nila nakuha ang nasa­bing mga pangalan dahil pumiyok umano ang kanilang supplier na nahuli?

Sinabi pa ni news reader na ‘di ba ang mahabang oras ng shooting o taping ang dahilan kaya ang mga artista ay nagdo-droga. Wala raw bang puwedeng gawing hakbang ang grupo ni Mr. Cortez?

Buti na lang at sinagot siya ng actor na lumapit na sila sa DOLE at ang isang network ay ini-implement na ang bagong sistema na cut-off sa mga artista.

Matagal na itong pinag-uusapan sa industriya. Ang tungkol sa mga nahuling pusher ang umano’y nagbuko sa mga suki nilang celebrities at ang tungkol sa pagkakaroon ng cut-off sa taping at shooting matapos magkaroon ng magkakasunod na insidente ng pagkamatay ng ilang director dahil sa pagiging overworked daw.

So bakit kaya hindi alam ng news reader ng isang AM radio ang mga isyung ‘yun at kailangan pang itanong ulit?

Kalokah siya ha.

Pero sasalaing mabuti FDCP nangako ng travel assistance sa lahat ng sasali sa international filmfest

Inaayos na ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson and CEO Liza Diño ang travel assistance sa lahat ng mga pelikulang sasali sa mga international film festival.

Ito ay bilang sagot sa matagal nang hinaing ng mga taga-industriya na kapos ang suporta ng gobyerno sa pelikulang Pinoy na nakikipag-compete sa mga legit na international filmfest.

Nabuhay ang isyu nang maglabas ng sama ng loob si Direk Lav Diaz sa kakapusan ng tulong sa kanila samantalang nagdala ng karangalan sa bansa ang pelikulang Ang Babaeng Humayo na nakuha ang pinakamataas na parangal sa Venice Film Festival na Golden Lion. Sina Ms. Charo Santos and John Lloyd Cruz ang bida sa pelikula.

Nauna na ring naging best actress si Jaclyn Jose sa Cannes para sa pelikulang Ma’ Rosa.

Napansin din sa Berlin Filmfest ang Hele sa Hiwagang Hapis na idinirek din ni Lav Diaz at pinagbidahan nina Piolo Pascual and John Lloyd Cruz.

Ngayon ay inaayos daw na mabuti ng tanggapan niya para mas umayos ang proseso dahil nagkaroon pala ng technical issue sa COA and DBM ayon sa statement ni Ms. Liza sa kanyang FB account. Heto ang bahagi ng kanyang paliwanag kahapon tungkol sa limitadong tulong sa mga pelikulang nakikipag-compete sa abroad, ang naging problema sa reimbursement ng mga gastos na ipinagkakaloob na tulong at iba pa.

“I was made aware recently about the statement of direk Lav Diaz regarding the lack of support of government and the decision to cut his travel assistance in half and follow a reimbursement process.

“I totally understand direk Lav’s sentiment. Just to give a bit of background, there were precedent technical issues with COA and DBM na nangyayari before kaya na-establish yung reimbursement process like paano kung hindi nagamit ang ticket, or di kaya isang applicant na kumuha na ng grant sa FDCP, kukuha pa din sa NCCA, so nadodouble yung assistance. Mahigpit ang COA sa check and ba­lance which is understandable naman para hindi natetake advantage ang pondo ng bayan. But these are isolated incidents. Ngayon, mas gusto pa naming mapadali at mapagaan ang mga prosesong ito para mas lalong maencourage ang mga filmmakers na lumahok sa mga film festivals. Moving forward, with our Travel Assistance program, I asked the technical committee to remove the reimbursement clause, create a team who will take care of the booking of flights and accommodations for our qualified films and talk to NCCA regarding counter checking of the application of grants. We are establishing a closer relationship with other departments in the government. Kailangan naming magtulung-tulungan dahil we all have to work on the allotted budget given to all departments,” paliwanag ni Chair Liza.

“But Yes, the council made the decision to cut Lav’s travel assistance in half. And as we have explained to direk Lav, we had to because we decided to redistribute the funds so all the Venice Film Festival delegates can also avail of the assistance. There were two other talented filmmakers, Brad Liew’s Singing in the Graveyards and Eduardo Roy’s Pamilya Ordinaryo who are going to Venice as well. We believe the amount we provided was more than enough to support his travel. And as I explained, wala pa akong magagawa sa “reimbursement process” nung nangyayari ang lahat dahil I was only on my second week when the need to clean the process was presented to me. Plus, patapos na ang taon. Wala ng masyadong natirang pondo ang FDCP for this year. But we are doing all our best to make sure that we can still provide and be of service until the end of the year to everyone.

“Right now, ongoing ang budget proposal hearing namin sa congress and se­nate for next year’s budget. Marami kaming plano, and we hope we can address other needs na we’ve identified moving forward. We are going to make sure na mailalatag ng maayos ang funds. But for now, we have to really make the most of what we have left to serve the entire community.” bahagi ng statement ng FDCP chair sa kanyang FB account.

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with