^

PSN Showbiz

Miss Philippines waging 1st runner-up

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Pacman inuna muna ang Miss Global bago tumodo sa ensayo; Erap hindi pa alam na si Jake ang ama ng anak ni Andi

PIK: Bago nagsimula si Sen. Manny Pacquiao ng training niya para sa laban niya sa November, nag-judge ito sa Miss Global 2016 kung saan nagwagi si Miss Ecuador Angela Bonilla.

Napiling first runner-up si Miss Philippines Camille Hirro na nag-excel sa Question and Answer portion.

Kakaiba ang Miss Global kumpara sa ibang competition dahil puwedeng sumali ang mga single mom, at kahit 28 years old ay puwede raw sumali.

Wagi rin bilang 4th runner-up si Miss Norway Britt Rekkedal na Pinay pala ang ina.

PAK: Mag-i-immersion pala ngayong araw si Derrick Monasterio bilang jeepney driver. Paghahanda niya ito sa role na gagampanan bilang tsuper sa bagong sitcom na Tsuperhero kasama si Bea Binene.

Susubukan niya ngayong maging driver sa jeepney na bibiyahe sa Pandacan. Nakapag-im­mersion na raw siya noong nakaraang Lunes pero bilang pasahero pa lang at pinagkaguluhan ito sa Cubao. Susubukan niya ngayon ang mag-drive ng jeepney. Kailangan niyang ma-experience ang buhay ng isang jeepney driver kung saan mamamasada siya at kakain sa karinderya na kinakainan ng mga driver.

Gusto raw niyang ma-feel talaga ang buhay ng isang driver para alam na niya kapag magsimula na silang mag-tape ng bago nilang sitcom.

BOOM: Dumalo si Manila Mayor Joseph Estrada sa asalto para kay Sen. Bong Revilla, Jr. sa Custodial Center ng Camp Crame noong kamakalawa ng gabi.

Naalangan kaming tanungin siya tungkol sa isyu ng anak niyang si Jake Ejercito at Andi Eigenmann dahil mukhang hindi pa niya alam.

Ang huling tsika sa amin ng ilang malapit kay Jake, tila hindi pa raw niya nasabi sa Daddy niya na siya pala ang ama ni Ellie. Kaya siguro hindi pa nagsasalita si Jake dahil kailangang sabihin pa raw niya ito kay Manila Mayor Erap.

Tinanong naman namin doon si Sen. Jinggoy at wala rin siyang alam. Ayaw naman daw niyang makialam kung hindi pa ito ino-open sa kanya ni Jake. Maaaring bumubuwelo lang si Jake para maipagtapat sa Daddy niya.

Sa kabilang banda, naglabas naman ng statement ang ina ni Albie Casiño kaugnay sa isyung ito.

Nag-post siya sa kanyang Instagram account ng ilang phrase hango sa Bible.

Nasa caption nito, “All these years we surrendered & completely placed our full trust & confidence to Jesus our Lord and Savior for we know in due time in His perfect time everything will be revealed. Thank you to all those who prayed for us with us.  #thankyouJesus #Godisfaithful #Godisgood all the time #albiecasino”

Nag-post din si Albie ng “Thank you” sa kanyang Instagram account bilang tugon marahil sa nasabing issue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with