^

PSN Showbiz

APT nawindang sa ginawang pambibitin ni Kris, ABS-CBN alam na ‘ginamit’ lang ni Kris si Boy Abunda

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang balita na “nawindang” ang staff ng APT Entertainment nang hindi matuloy noong September 22 ang taping ni Kris Aquino para sa bagong show nito.

SCENE: Alam ng mga big boss ng ABS-CBN na hindi totoo ang claim ni Kris Aquino na si Boy Abunda ang “nag-reach out” kay Tony Tuviera ng APT Entertainment para sa paglipat ng former Queen of All Media.

SEEN: Bumaha kahapon ang maraming premyo para sa mga guro sa 9th anniversary ng Gabay Guro na idinaos kahapon sa Mall of Asia Arena.

SCENE: Naghatid-saya sa mga teacher na dumalo sa 9th anniversary ng Gabay Guro sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Derek Ramsay, Pops Fernandez, Rachel Alejandro, James Reid, Nadine Lustre, Lea Salonga, at Miss Universe Pia Wurtzbach.

SEEN: Nagluluksa si Annabelle Rama dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Pura. Hindi natupad ang plano ni Annabelle na dalawin sa Australia ang kapatid niya noong nakikipaglaban pa ito sa karamdaman.

SCENE: Ginunita kahapon ng pamilya ni Mark Gil ang kanyang 54th birth anniversary. Pumanaw si Mark noong September 1, 2014.

SEEN: Magaganap sa October 22 ang annual Star Magic Ball na pinaghahandaan ng mga talent ng Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN.

SCENE: Ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang kapiling kahapon ni former Senator Bong Revilla, Jr. sa paggunita nito ng 50th birthday sa PNP Custodial Center, Camp Crame.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with