^

PSN Showbiz

Young actress na napakahinhin, humahada ‘pag bayaran na ng condo at kotse!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang sa loob ng kulungan umiikot ang mga kuwento ng bentahan ng buhay na laman. Maging sa malayang buhay ay ang dami-daming kuwento tungkol sa pakikipag-one night stand ng mga kilalang personalities.

Hindi nila ‘yun aaminin, magdedenay sila, pero makapagsisinungaling ba ang kanilang mga Boogie Wonderland (read: bugaw) at ang mga nagiging kliyente nila?

Nakakawindang nga ang ibang kuwento dahil kahit sa panaginip lang ay hindi mo iisiping gumagawa pala ng ganu’n ang mga babaeng personalidad na parang ni hindi makapapatay ng langaw o lamok na dumadapo sa kanilang braso.

Iisipin mong kuwento-kuwento lang ‘yun, na gawa-gawa lang, hanggang sa ikaw na mismo ang makakadiskubre na totoo nga pala ang mga istoryang nagpapalipat-lipat ng mga bibig nang lantaran na at hindi pabulong.

Kuwento ng isang Boogie Wonderland, “Sila pa nga ang tumatawag sa mga kasamahan ko para makakuha ng booking, kapag matindi ang pangangailangan nila, sila na mismo ang naghahanap ng pagkakaperahan.

“At wala sa itsura ‘yun. Hindi ngayon at nagpapa-sexy ang artista, e, gumagawa na ng milagro. Hindi ‘yun ang basehan. May mga artistang napakasimpleng tingnan, parang virginal ang image, pero nakikipag-one night stand!” madiing sabi ng aming kausap.

Tatlong pangalan ang narinig namin. Parang ayaw naming maniwala dahil sa biglang tingin ay parang wala pang kamuwangan sa mundo ang mga artistang binanggit ng Boogie Wonderland.

Pero ipinagkakanulo sila ng kanilang mga mensahe sa text. Kapag wala kasing maibigay na babae sa kanilang mga kliyente ang mga bugaw ay meron silang tinatawag na cross booking, naghihiraman sila ng mga alaga, kaya malawak ang negosyo ng buhay na laman.

“Iisipin mo bang gumagawa ng ganito si ____(pangalan ng isang young actress na napakahinhin), paniniwalaan mo rin bang sanay sa ganitong trade si ____(isang bata pang female personality na produkto ng isang talent search), saka itong si ____(isa pang young actress na walang kaangas-angas sa katawan) na siya pang nanghihingi ng booking kapag bayaran na ng kanyang condo at sasakyan?” pagdedetalye ng aming source.

Haaaay…. Ubos!

Laarni Enriquez noon pa nagpipigil kay Andi!

Hindi pa katagalan nang sulatin namin sa kolum na ito na isang araw ay may puputok na kontrobersiya na sangkot ang isang bata. Lumabas na ang daga sa kanyang lungga.

Mismong kadugo ni Andi Eigenmann ang naglantad ng katotohanan, si Maxi, na buong-ningning na nagsabing si Jake Ejercito ang totoong ama ni Ellie at hindi si Albie Casiño.

May tumawag kasing source sa amin na pagkatapos ng pagpapa-DNA test sa bata ay humingi ng appointment si Laarni Enriquez kay Boss Vic del Rosario. Kasagsagan ‘yun ng mga paninira ni Andi kay Jake.

Bumubula nu’n ang bibig ni Andi, kaliwa’t kanang banat ang ginagawa nito kay Jake, naging maginoo naman ang panganay na anak nina Pangulong-Mayor Erap Estrada at Laarni habang inuupak-upakan siya ng aktres.

Natural, dahil pusong-ina ang umiral sa dating aktres na si Laarni, awang-awa ito sa kanyang anak na nananahimik sa Singapore, kaya gusto nitong makausap ang nagma-manage kay Andi.

Komento pa ng aming source nu’n, “Gustong makausap nang personal ni Laarni si Boss Vic dahil masyado nang nasasaktan ang anak niya. Panay-panay ang paninira sa kanya ni Andi.

“Kung gusto nilang sirain si Andi, e, nu’n pa sana, pero hindi nila ginawa. Nanahimik lang sila kahit pa hawak nila ang katotohanan na si Jake ang ama ng anak niya.

“Nakiusap lang nu’n ang kampo ni Andi na huwag ilabas ang totoo dahil makakaapekto sa career niya ‘yun, pero sumosobra na siya sa paninira kay Jake!” madiing pahayag ng aming source.

Anong mukha ang ihaharap ngayon ni Andi kay Albie Casiño na pinaratangan nitong sinungaling, iresponsable, walang balls at kung anu-ano pang masasakit na salita?

At ano ngayon ang magiging reaksiyon ni Andi Eigenmann sa paglabas ng katotohanan na mismong kapatid pa nito ang nagbuyangyang pagkatapos nang mahabang panahon?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with