^

PSN Showbiz

Alzheimer’s ni Tom at pag-uulyanin ni Sylvia magtatapatan! Jennylyn hindi na nag-e-entertain ng bashers!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sinabayan talaga ng ABS-CBN ang pagsisimula ng bagong drama series ng GMA 7 na Someone To Watch Over Me.

Sa September 5 magsisimula  sa GMA Telebabad ang Someone… na pag-uumpisa rin ng The Greatest Love ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez.

Umiikot ang kuwento ng Someone To Watch Over Me sa isang taong may Early-Onset Alzhei­mer’s Disease na ginagampanan ni Tom Rodriguez.

Halos ganundin din ang takbo ng kuwento ng The Greatest Love na tungkol naman sa isang ina na may Alzheimer’s Disease.

Matagal na ang press launch ng The Greatest Love pero hindi naman ipinalabas agad.

Hindi lang namin alam kung magkapareho sila ng timeslot.

PAK: Isa sa hidden talent ni Tom Rodriguez ay ang pagiging comic book artist niya.

May ipinakita sa amin noon si Tom nang nasimulan niyang comic book na meron siyang mga binuong mga karakter.

Tinatapos pa raw niya ito at isa sa sobrang suportado sa ginagawa niyang comics ay ang kasintahang si Carla Abellana.

Kamakailan lang ay dinaluhan ni Tom ang Asia Pop Comic Con na ginanap sa SMX Convention Center, tuwang-tuwa ang Kapuso actor dahil nakilala niya roon ang idol niyang Comic artist na si Whilce Portacio. Sinamahan siya ni Carla bilang suporta sa isa sa mga passion niyang paggawa ng comics.

Isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit sobrang mahal ni Tom si Carla dahil sobrang sinusuporta­han daw siya nito sa lahat na ginagawa niya.

Lalo nung nagkasakit daw ang daddy niya, nandiyan daw si Carla na sumuporta sa kanya dahil apektado raw siya noon.

“Never pa nangyari to sa family namin na may nagkasakit, lalo na sa dad ko who is very strong pero kinakaya niya ang sakit. Nandiyan siya lagi sa akin,” pakli ni Tom.

BOOM: Hindi pa masagot ni Jennylyn Mercado kung tuloy pa rin ba ang drama series niya sa GMA 7 na remake ng My Love From the Stars.

Wala pa rin kasi silang napiling leading man dahil hindi na nga si Alden Richards ang gaganap. Mukhang waiting pa rin at wala pang desisyon kung itatabi muna o huwag nang gawin.

“Kasi mahirap pag pinilit dahil mas magandang maging patient lang. Hintayin na lang natin kung ano ang puwedeng gawin,” pahayag ni Jennylyn sa press launch ng Superstar Duets.

Ayaw na rin magkomento ni Jennylyn tungkol sa pagkontra ng AlDub nation sa tandem nila ni Alden. Minabuti raw niyang huwag na lang basahin ang mga negative comments at pamba-bash sa kanya.

“Pinili ko na lang na hindi i-check yung mga comments, yung account ko sa Twitter. Mas pinili ko na lang na hindi ko na lang basahin. Iba pa rin kasi pag may nababasa kang negatives. Mas mabuting huwag mo na lang basahin,” saad pa ni Jennylyn.

Sa ngayon ay wala pa nga muna siyang masabing gagawin niyang drama series. Kaya sa bagong show niyang Superstar Duets muna siya naka-focus na ito. Sa September 3 ng gabi na ito magsisimula na papalit sa timeslot ng Lip Sync Battle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with