^

PSN Showbiz

Gabbi nasa panganib

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng Encantadia mamayang gabi, maglalaban sina Pirena (Glaiza de Castro) at Hitano (Pancho Magno). Magigising si Alena (Gabbi Garcia) na walang naaalala at iaalok ni Pirena kay Hitano na kunin ang kapatid - na ilayo ito nang maangkin na ito ng kawal. Tatanggapin naman ni Hitano ang alok ni Pirena at kukunin niya si Alena.

Magku-krus naman muli ang landas nina Cassiopea (Solenn Heussaff) at Lira (Kate Valdez) at sasabihin ni Cassiopea sa prinsesa na nagbabago man ang maraming kapalaran sa Encantadia, nakikita pa rin niya ang pagtalikod ni Lira sa kaniyang ina para sumama sa lalaking mamahalin niya

Samantala, magigising si Ybarro (Ruru Madrid) at naramdaman niyang may nangyari kay Alena. Matatagpuan nina Danaya (Sanya Lopez) at Aquil (Rocco Nacino) si Pirena na sugatan. Makikita nina Wantuk (Buboy Villar) at Pako (James Teng) si Ybarro sa kagubatan at isasama nila ito pauwi sa kanilang kuta.

Sasabihin naman ni Pirena sa kanyang mga kapatid na patay na si Alena. Ipakikilala ni Hitano ang sarili niya kay Alena bilang kanyang asawa. Gagamitin ni Amihan (Kylie Padilla) ang kanyang Brillante para mahanap si Alena. Makakalaban ni Cassiopea ang mga Hathor.

May makakaharap naman sina Muros (Carlo Gonzalez) at Pirena na mga Hathor. Mawawala si Pirena pero hindi maniniwala si Danaya sa sinambit ni Pirena at kakalabanin niya ang kapatid.

Hihilingin ni Apitong (Christian Bautista) na ipaliwanag ni Ybarro sa kanila ang kaniyang pagkawala. Sasabihin ni Aquil kay Amihan na maaari nilang kausapin si Cassiopea upang malaman kung nagsasabi ng totoo si Pirena.

Sa mundo naman ng mga tao, kakausapin ni Mila (Mikee Quintos) si Amanda (Angelu de Leon) na siya na ang bahalang umiwas kay Berto (Ryan Eigenmann) para hindi nila kailangan iwan ang bahay na ipinundar ng ama-amahan niya.

Gagawa ng diversion si Pirena para matakasan sina Muros. Mararating nina Amihan, Danaya, at Aquil ang kuta ni Cassiopea kung saan itatanong nila rito kung totoo ngang napaslang si Alena, at kung sino ang gumawa nito. Hindi sa­sabihin ni Cassiopea ang totoo kina Amihan at sasabihin nito kay Pirena na may papel pa siyang kailangan gampanan sa kapalaran ng Encantadia.

Ito ang ilang pang mga kaabang-abang na eksena ang dapat abangan sa Encantadia pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with