^

PSN Showbiz

Braso ‘di nakikisama Sharon hindi puwedeng mag-sleeveless

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

James inaambunan ng suwerte ang mga kapatid, Buboy at GF nagmukhang mag-tiyahin, Marian hindi kayang ibalik ang friendship nina AiAi at Kris

SEEN: Pumayat na si Sharon Cuneta, lumiit na ang kanyang mukha pero malaki pa rin ang mga braso niya kaya hindi pa advisable na magsuot siya ng mga sleeveless dress.

SCENE: Sintunado ang boses ni Antonette Tismo nang kantahin niya ang Let’s Get Loud ni Jennifer Lopez sa unang gabi ng grand finals ng The Voice Kids Philippines noong Sabado. Si Sharon Cuneta ang mentor ni Antonette.

SEEN: Ang younger brother ni James Reid na si Jack ang bagong celebrity endorser ng isang clothing company. Naambunan ng kasikatan ni James ang kanyang mga kapatid na sina Jack at Lauren.

SCENE: Kahapon ang 24th birthday ni Max Collins at isang surprise birthday asalto ang inihanda para sa kanya noong Sabado ng boyfriend niya na si Pancho Magno.

SEEN: SPG ang classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa episode ng Magpakailanman noong Sabado dahil hindi magandang example sa mga kabataan ang pagsuway ni Angilyn Gorens sa kanyang foster parents. Si Angilyn ang American girlfriend ni Buboy Villar na tinakasan ang foster parents niya sa Amerika at umuwi ng Pilipinas upang makipag-live in sa dating child actor.

SCENE: Parang mag-tiya sina Angilyn Gorens at Buboy Villar sa kanilang mga eksena sa Magpakailanman dahil mas mature ang hitsura ng dalaga na binigyan ng ilusyon na puwede siyang artista. Ang mga sarili ang ginampanan nina Angilyn at Buboy sa kanilang love story na isinadula sa telebisyon ng Magpakailanman.

SEEN: Si Raymond Gutierrez ang only thorn among the roses sa bridal shower para kay Isabelle Daza sa Hidden Hills Villas, Bali, Indonesia. Matalik na magkaibigan sina Raymond at Isabelle.

SCENE: Hindi si Marian Rivera ang magiging tulay para bumalik ang dating friendship nina AiAi delas Alas at Kris Aquino. Walang epekto ang pagbibigay ni Kris kay AiAi ng “reconciliation gift” nang magkita sila sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian noong December 30, 2014.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with