^

PSN Showbiz

The Voice Kids huling salpukan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matinding tapatan ng bosesan ang magaganap sa The Voice Kids Season 3 mamaya at bukas dahil magpapasiklaban na sa huling pagkakataon ang tatlong young artists na iniluklok ng bayan na makatuntong sa Grand Finals.

Humanda nang bumilib sa mga makatindig-balahibong performances na ihahandog nina Joshua, Antonetthe at Justin na siguradong magpapahanga sa mga manonood at muling magiging usapan sa social media. Abangan din ang kanilang performances kasama ang kanilang coaches, isang upbeat performance, at isang power ballad.

Samantala, tiwala naman ang coaches sa galing at talento ng kanilang mga pambato at lubos na excited sa magaganap na bakbakan ngayong weekend. “Congratulations sa remaining young ar­tists. Pinabilib nila ang kanilang teams at ang kanilang mga pamilya,” sabi ni Bamboo na nasasabik na mu­ling makuha ang pagkapanalo sa kumpetisyon.

“Hindi mo alam kung sino pipiliin ng mga manonood. All we have to do is continue our focus and hope for the best,” sabi naman ni Lea Salonga na naniniwalang sa kanyang team manggagaling ang susunod na Grand Champion.

Aminadong kinakabahan naman si Sharon Cuneta sa darating na finals pero tiwala itong hindi siya bibiguin ng kanyang pambato. “Kinakabahan ako kasi siya lang ang babae pero siguradong magbibigay siya ng kakaibang performance,” masayang sabi ng Megastar.

Bukod sa nakabibilib na performances, tumutok din sa live chat kasama sina Kim Chiu at Robi Domingo at mag-log on sa TheVoice.abs-cbn.com/chat para sa mga exclusive happenings habang nagaganap ang Live Finals.

Ito na kaya ang panahon nina Lea at Sharon upang makuha ang kanilang unang kampeonato? Magmula pa rin kaya sa Team Bamboo ang susunod na magiging kampeon? Sino na nga kaya ang susunod sa mga yapak nina Lyca Gairanod at Elha Nympha na tatanghaling The Voice Kids Grand Champion?

Ang mananalong young artist ay pagkakalooban ng recording contract sa MCA Music, Inc. at mag-uuwi ng house and lot mula sa Camella, at fashion package, P1 million cash at P1 million worth of trust fund mula sa H&M.

Mapapanood ang grand finals ng The Voice Kids mamayang 7:15 p.m at 7 p.m. bukas sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes ng palabas sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with