^

PSN Showbiz

Vina unti-unti nang nilalapitan ng good vibes

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Everything is coming up roses sa singer-actress na si Vina Morales na regular na napapanood sa Sunday musical show na ASAP at sa primetime TV series na Born for You.

Vina is turning 40 on October 17 at isang birthday concert ang kanyang pinaghahandaan na co-produced nila ng best friend niyang si Pops Fernandez.

Inspired din si Vina hindi lamang ng kanyang seven-year-old daughter na si Ceana kundi maging sa kanyang French businessman boyfriend na si Marc Lambert.

Malapit na ring matapos ang ipinagagawang three-storey house ni Vina na pinamamahalaan ng kanyang Daddy Ike.

May problema man ngayon si Vina sa kanyang ex-boyfriend at ama ng kanyang anak na si Cedric Lee, umaasa si Vina na ito’y magkakaroon ng positibong resulta sa korte.

Lovi hindi sineseryoso ang French guy na dini-date

As much as possible ay ayaw nang pag-usapan pa ni Lovi Poe ang break-up nila ng kanyang ex-boyfriend na si Rocco Nacino dahil gusto niyang pareho silang maka-move on.

Sa presscon ng bago niyang primetime TV series na Someone to Watch over Me na pinagsasamahan nila nina Tom Rodriquez at Max Collins mula sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes, natanong din si Lovi tungkol sa isang guwapong French guy na si Chris Johnson na kanyang nakasama recently sa isang beach.

Ayon kay Lovi, kaibigan lamang umano niya si Chris na kamakailan lang daw niya nakilala at nakasama sa wedding nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa France. Nakasama rin niya ang guy na namasyal sa France after the wedding.

Ayon kay Lovi, hindi pa siya handa na muling magka-boyfriend after nilang mahiwalay ni Rocco.

Matteo iniba si Sarah?!

Malamang na ngayong September na muling bumalik ang Pop Princess sa kanyang trabaho matapos itong humingi ng two-month vacation.

Talagang sinulit ni Sarah Geronimo ang kanyang bakasyon kasama na ang pamamasyal sa Japan at Paris with her family, maging ang pag-aaral ng pagluluto, pole dancing at mountin climbing kasama ang nobyong si Matteo Guidicelli.

Sa recent presscon na ipinatawag ng Sunlife Asset Management Company, Inc. (SAMCI) kung saan si Matteo ang bagong karagdangang celebrity endorser na kinabibilangan din nina Piolo Pascual, Judy Ann Santos at Charo Santos-Concio, inamin ng binata na si Sarah na ang “the one” para sa kanya although malayo pa sa plano nilang pagpapakasal dahil pareho silang may goal na gustong ma-achieve individually.

Marami ang nagsasabi na malaki umano ang impluwensiya ni Matteo sa kanyang nobya pagdating sa mga desisyon nito ngayon.

Anak nina Zsa ZsA at Dolphy GF ng anak nina Martin at Pops

Ano nga kaya ang totoo na ang bunsong anak ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na si Kiana ang bagong napupusun ng singer-actor na si Sam Concepcion? Bagama’t tumatanggi pa si Sam, pero consistent ang rumor.

Napapabalita ring si Zia Quizon, anak ni Zsa Zsa Padilla sa yumaong Comedy King na si Dolphy ang bagong inspirasyon ng panganay ng estranged couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez na si Robin Nievera.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with