^

PSN Showbiz

Sayang na sayang ang career Magaling na aktres hindi pa nakakabangon sa pagkatalo sa droga!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sobrang miss na miss na ng kanyang mga tagahanga ang muling pagtatrabaho ng kanilang iniidolong popular at magaling na aktres. Napakahaba na ng kanyang pahinga, baka makalimutan na siya ng mga kababayan natin, kailangan na uli niyang sumalang sa harap ng mga camera.

Pero mukhang hindi pa handang-handa sa kanyang pagbabalik ang magaling na aktres, marami pa siyang kailangang ayusin, matindi ang naging epekto sa kanya ng pinagdaanan niyang karanasan.

Kuwento ng isang nakakuwentuhan naming source, “Sa lahat-lahat ng mga kuwento ng mga artistang nagkaroon ng problema, e, sa kanya ako hinayang na hinayang.

“Nasubaybayan ko ang career niya, sobra siyang disiplinado, kaya nga mataas ang premium niya nu’n, e, hindi mo siya makikitang pakalat-kalat sa kung saan-saan.

“Trabaho-bahay lang siya, makita mo man siyang nasa labas, e, sobrang importante ng dahilan nu’n. Talagang nasa house lang siya, very productive naman ‘yun, dahil marami siyang pinagkakaabalahang hobby na nakakapag-alis ng stress niya sa sobrang pagtatrabaho.

“Imagine, nasangkot siya sa bisyo, gumamit siya ng substance na kahit sa panaginip, e, hindi mo maiisip na kaya pala niyang gawin? Ang tao palang napakatino, kapag nagpakaliko, e, mas matindi!” madiing kuwento ng aming impormante.

Sayang na sayang nga ang career ng magaling na aktres. Kumbaga sa karera ay nilampas-lampasan na siya ngayon ng kanyang mga kasabayan.

“Sana naman, e, maisip niya na maraming nagmamahal sa kanya, sobrang dami ng naghihintay na mapanood na siya uli. Kung anuman ang problemang pinagdadaanan pa niya ngayon, sana naman, e, malampasan na niya. Sayang na sayang talaga siya,” sinserong komento ng aming source.

Ubos!

Showbiz couple dawit sa matinding kontrobersiya ng isang bata

Shocking ang kuwentong nakarating sa amin. Isang araw ay magugulantang na lang tayo sa pagputok ng isang matinding kontrobersiya tungkol sa isang dating magkarelasyong artista.

Hindi simple ang kuwento, may kakambal na legalidad ang sitwasyon, ang pinakasentrong sangkot sa kontrobersiyang ito ay isang batang wala pang kamuwangan sa mundo.

Giyera ito sa magkabilang kampo kapag nagkataon. Walang papayag na magpatalo sa kanila. ‘Yun ang sigurado.

Maja sirang-sira, OA na raw kasi ang kalandian

Ewan kung gaano kalaki ang pang-unawa at lawak ng pasensiya ni Maja Salvador para tanggapin ang mga upak sa kanya ngayon sa social media.

Ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ngayon ni John Lloyd Cruz ang dahilan kung bakit pinuputakti si Maja ng mga negatibong komento. Wala raw siyang kadala-dala, wala rin siyang pinipiling tuksuhin, ang iniisip lang daw ng aktres ay ang sarili niyang kaligayahan.

At ‘yun ay ibinabato na agad kay Maja nang wala pa namang pruweba kung totoong magkarelasyon na nga sila ni JLC, paano kung nagsasabi siya ng totoo na magkaibigan lang sila, nakakaawa naman ang young actress.

Pareho naman silang libreng makipagrelasyon ni John Lloyd ngayon, pareho silang malaya, kaya kung sakaling totoo ngang ayaw pa lang nilang umamin pero sila na nga ay walang dapat ipag-alala ang dalawa.

Flirt daw kasi si Maja Salvador, basta nagustuhan niya ang lalaki ay siguradong gagawa siya ng paraan para makuha ang atensiyon nito, manang-mana raw si Maja sa kanyang pinagmanahan.

Kung sino ang kadugo niyang tinutukoy ng mga umuupak sa kanya ay hindi namin alam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with