^

PSN Showbiz

Dalawang kilalang TV and radio personalities, nabibinga na!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Parang pareho nang humihina ang pandinig ng dalawang beteranong TV and radio personalities.

Sa pang-umaga nilang radio program, pareho na silang mali-mali sa kanilang pandinig sa mga kinakausap nila.

Ilang days ago lang ay nagkamali na naman ang dinig ng isang beteranong perso­nalidad sa TV at radio. Ang dinig niya sa ibi­nabalita ng kanilang reporter na pangalan ng witnesses ay ang pangalan ng mga suspek.

Ganyan din ang isa pang iginagalang na radio at TV personality. Paulit-ulit na ang sinasabi ng kausap, tinatanong pa rin eh nasagot na.

Hindi kaya panahon na para ipasa nila sa mas bata-batang personalidad ang kanilang mga trono?

Bukod sa nabawasan na ang lakas ng pandinig nila, may oras na paulit-ulit na sila sa kanilang sinasabi.

Martin may meet and greet sa concert

Ngayong gabi na ang pinakahihintay na The Best of Martin Nievera: Kahapon… Ngayon concert ni Martin Nievera sa KIA Theater.

Muling maririnig sa nasa­bing concert ang tatak-Martin na mga kanta tulad ng Be My Lady, Ikaw Lamang, You Are My Song, Kahit Isang Saglit and more love songs na u­magapay sa career ni Martin sa loob ng tatlong dekada.

Magiging highlights din ng concert ang performance ng big band led by musical director Marvin Querido and guests na sina Noel Cabangon and ZsaZsa Padilla. This event is for the benefit of the Philippine Chinese Charitable Association, Inc. and Philippine Red Cross Quezon City.

Ang Kahapon…Ngayon ay ang title din ng bagong album ni Martin sa PolyEast Records na tribute sa OPM roots. Binigyan ng ibang version, from classic harana to iconic old movie scoring ang mga kantang nakapaloob sa album.

Magiging available ang nasabing album sa venue ng concert kung saan magkakaroon din ng meet and greet session.
Available pa ang tickets sa Ticketnet outlet or visit www.ticketnet.com.ph or call (02) 911-5555. Ticket prices: Orchestra VIP- Php3,000 (with FREE CD); Orchestra B- Php2,500 (with FREE CD); Balcony VIP (Loge) – Php2,000; Balcony- Php1,000.

Maja inilantad na ang tunay na relasyon nila ni John Lloyd

Nag-hello na nga si Maja Salvador sa buhay ni John Lloyd Cruz.

Kahapon sa kanyang mga Instagram account, ipinost na niya ang photo nila ni John Lloyd sa isang resort sa Davao na nauna nang kumalat sa social media at lumabas sa mga dyaryo. Caption niya: “nakaka hollywood #PagBigyan #MSescapade #GoodbyeItay #HelloLloydy.” 

Kaya naman ang conclusion ng fans, sila na. Pero meron din naman ibang duda. Baka raw nang-uurot din lang si Maja.                

*****

Please follow me on Twitter

and Instagram: @salveasis

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with