^

PSN Showbiz

FDCP Chair Liza Diño inspirasyon ang mga nanghuhusga, uunahin ang Film Summit

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maraming plano sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang bago nitong chairman na si Liza Diño-Seguerra.

Handang-handa na siya sa ipinagkatiwala sa kanyang tungkulin ni President Digong Duterte.

Inuna niyang kausapin ang Cinema Evaluation Board (CEB) na pinamumunuan naman ni Ms. Christine Dayrit.

May mga nabanggit nang ilang proyekto si Chair Liza sa FDCP katuwang ang CEB na naitsapwera nang dating namumuno sa FDCP na si Mr. Briccio Santos.

Pero nauna nang nabanggit ni Chair Liza na film summit ang isa sa mga una niyang proyekto. “For my first project, I want to propose a FILM SUMMIT. Let’s sit down and listen to each other. Level our expectations and come up with a road map towards improving our industry. Sana’y magtulungan tayong lahat,” pahayag niya.

At ano nga ang naramdaman niyang siya ang napisil sa nasabing posisyon?

“Yes, I admit, I am terrified. and Overwhelmed. And scared. But at the same time, I am also very excited. The last few months spent on doing consultations with the arts and culture sector has inspired me so much to be proactive towards addressing the needs of our community. Ilang administrasyon na ang nagdaan pero kulang na kulang ang pagpapahalagang binibigay sa ating sining at kultura kaya’t hindi masisisi kung bakit ang lahat ngayon ay gutom at sabik na mapakinggan. Lahat gustong makiambag sa mga pwedeng magawa upang buhayin at palawigin ang ating sining. So to be given the chance to actualize these recommendations, at least sa film sector, is already a feat in itself,” sabi niya.

Pero hindi raw niya masasabing siya ang chair or mamumuno sa nasabing ahensiya na nakatutok sa pagtulong pagpapaunlad ng industriya ng pelikula sa bansa na matagal-tagal na ring nalugmok.

“I just happen to be the person entrusted by the president to act as a bridge between the sector and the government para lalong maisulong ang pagpapayabong ng pelikulang Pilipino sa ating komunidad. I am deeply humbled by this opportunity to help and to give EVERYONE a fair chance to access the support that our government can provide---suportang hindi lang para sa iilan kungdi para sa lahat especially ang mga minorities na hindi nakakaramdam ng tulong mula sa gobyerno.

“My goal is to be inclusive. Decentralize FDCP and empower regional film communities . Buhayin natin ang kwento ng mga rehiyon. Marami tayong mapupulot dito bilang isang nasyon,” banggit niya.

Bagama’t kinikilala niya ang mga nagawa ng da­ting namumuno sa FDCP lalo na sa pagpapatayo ng Cinematheques at nilalayon niya pa itong paramihin sa ibang lugar sa bansa upang lubos na mapakinabangan at ang pagkakaroon ng pagkilala at recognition globally ng ating mga pelikula, pero hindi naman ito nangyayari sa ating sariling bansa.

“But while Filipino films are gaining recognition abroad and making a presence in global cinema, its doing the total opposite in our own country. Nakakalungkot isiping piling-pili lang ang mga tinatangkilik na pelikula pagdating sa sarili nating bansa.

“We have to bridge that divide. it’s time to really go back to the core and think about how we can thrive locally. How can we use film to propagate culture among Filipino people? How can we use film to educate, expose, and enlighten? We have to really create programs and policies for audience development dahil sa ngayon ang daming films, pero salat na salat tayo sa audience. It is time to encourage more Filipinos to watch our local cinema---hindi lang puro banyaga. Mainstream films are gaining a consistent audience and that is good, pero hindi makasunod ang low budget films dahil “hindi kumikita” ang pelikula. Dahil dito, napu-pull out ang mga pelikula sa sinehan ng hindi man lang nabibigyan ng pagkakataong makahanap ng mga manonood. Siguro nga nagkaron ng stigma na pag indie, hindi entertaining. Pag indie, hindi accessible, pag indie, masyadong mataas. Pero hindi ito sapat na dahilan para hindi protektahan ang mga pelikulang sariling atin. Dapat magtulong-tulong ang lahat pati ang theatre owners para sanayin ang ating mga audience na manood ng ibat ibang klaseng pelikula. In the end, tayong lahat ang magbe-benefit dito.

“Sa aking pag-upo, kaakibat ninyo ako para basagin ang konseptong ito at patunayan sa ating mga manonood na marami tayong de kalidad na pelikulang sumasalamin sa ating kultura na dapat tangkilikin, panoorin at ipagmalaki---na mayrong indie films na entertaining, mayroong intelektuwal pero makabuluhan, at mayroong pupukaw sa diwa at kamalayan.

“Oo nga, maganda ang presence natin internationally. Pero naiiwanan ang mga manonood na Pilipino.

“How we can bridge this gap is going to be the thrust of my term as chair. Let us empower our film makers by creating a self sustaining environment LOCALLY so they don’t feel the necessity na makilala muna sa ibang bansa para lang panoorin ng mga Pilipino (unless yun talaga ang vision ng film maker).

“At the end of the day, sana pakaisipin nating ang Pelikulang Pilipino ay first and foremost, PARA sa Pilipino. As much as I respect our thought provoking films which pique global sensibilities, I believe that we shouldn’t lose sight of this equally important goal when making films. Let’s always keep the Filipino audience in mind----their sensibilities, their language, their needs,” mahaba pa niyang mensahe sa kanyang FB account.

At ano naman ang masasabi niya na may mga nanghuhusga agad sa kanya.

“Alam kong maraming kumukwestiyon sa aking kakayahan, maraming nagdududa sa kung anong pwede kong magawa. Nirerespeto ko yan. Hindi n’yo ko kilala. Karapatan ninyong magpahayag ng inyong mga agam-agam.

“Sa mga sumusuporta, salamat. Makasisiguro kayong gagawin ko ang lahat sa aking makakaya upang makapaglingkod sa bayan. Sa mga pumupuna, salamat din. Kayo ang inspirasyon ko para pagbutihan lalo ang ginagawa ko.

“But whatever your opinion is of me, isa lang masisiguro ko sa inyo, mahal na mahal ko ang sining na ito. This is my passion. Binuhay ng sining na ito ang pagkatao ko and l am willing to sacrifice and do whatever it takes para maiangat ang estado nito. Naniniwala ako na ang FDCP ay para sa ating lahat at sisiguraduhin kong lahat ay stakeholders dito,” mensahe pa ng misis ni National Youth Commission Chair Aiza Seguerra.

Si Ms. Liza ay nag-aral sa University of the Philippines ng BA Speech Communications. Kumuha rin siya ng Basic and Advanced Film Making sa Asia Pacific Film Institute at Culinary Arts sa Le Cordon Bleu College of Culinary Arts in Los Angeles.

Miss World Philippines, naghahanap pa ng mga kandidata

Sa pagpirma ng Miss World Philippines sa GMA, inaabangan na ng mga netizens kung sinong Filipina representative ang susunod sa yapak ni Megan Young para makipaglaban sa taunang Miss World pageant.

Ayon kay Cory Quirino, pwede pang humabol sa final screening ng nasabing kumpetisyon. “Puwede pang humabol sa aming final screening sa August 29 sa B Hotel, Sct. Rallos, Quezon City. Nananawagan kami sa lahat ng magagandang candidates, please join Miss World Philippines. Who knows, you might be the next Miss World.”

Dagdag pa niya, ang hinahanap nila ay isang kandidata na maganda at may mabuting kalooban. “She has to be very smart, beautiful, and of course, she has to have a very special place in her heart for charities.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with