^

PSN Showbiz

Max pumiyok na hindi pinahirapan sa panliligaw si Pancho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napagod na rin siguro sina Max Collins at Pancho Magno na i-deny ang kanilang relasyon dahil sa presscon ng Someone To Watch Over Me, inamin na rin ng dalaga na magpu-four years na sila ni Pancho sa October 10. Noon pang 2013 ang relasyon nila at habang nagdi-deny ang dalawa, mag-on na pala sila.

Sabi pa nga ni Max, hindi niya pinatagal ang panliligaw sa kanya ni Pancho at sinagot niya agad. Kaya rin naging open siyang aminin na BF niya ang aktor dahil importante ito sa kanya.

Tom tuloy ang pagtulong sa amang may cancer na nasa Amerika 

Malaking tulong kay Tom Rodriguez na da­lawa ang sisimulan niyang shows sa GMA-7 dahil makakatulong siya sa hospital at medical bills ng ama na nasa Amerika at may sakit na lung cancer. Kuwento ni Tom, naoperahan na ang ama, pero tuluy-tuloy ang gamutan at kahit sabihing nasa Amerika ito, tumutulong pa rin siya financially.

Kapag may free time, dinadalaw din ni Tom sa Amerika ang ama. Unknowingly, nagiging peg ni Tom ang ama para i-portray ang mahirap na role niya sa primetime teleserye na Someone To Watch Over Me dahil parehong life threatening ang cancer at Alzheimer’s disease.

Ang positive na ibinigay sa kanya ng te­leserye ay nakatrabaho niya si director Maryo J. Delos Reyes and he’s got to work with Lovi Poe and Max Collins. Sa September 5 na ang airing ng Someone To Watch Over Me. Mauuna ang airing ng talent show na ihu-host niya under GMA News & Public Affairs na #Like at mapapanood after Eat Bulaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with