^

PSN Showbiz

Kinaribal si Charlie Puth, American DJ duo na The Chainsmokers target din si Liza

- Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Wow nakikipag-love t­riangle ang The Chainsmo­kers kay Charlie Puth. Ang babaeng target nila, si Liza Soberano.

Tulad ni Charlie Puth nag-concert din sa bansa ang The Chainsmokers last week. At bagama’t wala silang binanggit na pangalan sa kanilang tweet pero obvious na si Liza naman ang nire-refer ng dalawang Amerikanong miyembro ng The Chainsmokers na nagpasikat sa mga kantang Don’t Let Me Down, Roses, Closer, Inside Out and Until You Were Gone. @TheChainsmokers17h hours ago - Going on the record. We are in a love triangle with @charlieputh

Ang The Chainsmokers ay naging hottest American DJ duo.

Naunang nag-concert si Charlie Puth sa bansa kamakailan at inimbita niya thru Twitter si Liza. Pero kasalukuyan itong (Liza) wala noon sa bansa kaya hindi nakapanood ng concert ng singer na nagpasikat sa mga kantang We Don’t Talk Anymore, One Call Away, at Marvin Gaye.

So confirmed, si Liza na ang most beautiful Pinay dahil siya ang target ng mga foreign singer na nagpupunta sa bansa.

Coco, Dennis, Paulo tinalo ni Ken Chan

Tanong lang. Mas magaling bang actor ang Kapuso na si Ken Chan kesa kina Coco Martin, Dennis Trillo, Paulo Avelino, among others?

Natalo ni Ken ang mga nabanggit na biga­ting actor para sa portrayal niya sa afternoon drama na Destiny Rose na nagwagi ring Daytime Drama Series of the Year sa ginanap na Philippine Entertainment Portal (PEP) List Awards night noong Linggo ng gabi sa Crowne Plaza Ortigas.

Ang mga editors ng nasabing showbiz portal ang namili kay Ken.

Isang transgender ang role ni Ken sa Destiny Rose.

Karamihan sa mga nanalo ay Kapuso stars na pinangunahan nina Alden Richards and Maine Mendoza.

Present si Alden at siya ang tumanggap ng maraming award nila ng ka-loveteam. (Nasa SEEN/SCENE and kabuuang listahan ng mga nanalo).

Camp Sawi maraming nag-aabang

Bukas na Wednesday, magbubukas sa mga sinehan ang pelikulang Camp Sawi na pinagbibidahan nina Andi Eigenmann, Bela Padilla, Yassi Pressman, Kim Molina and Arci Muñoz.

Sa trailer pa lang, interesting na ang pelikula at ramdam ang sakit na pinagdaraanan ng mga magagandang babae sa isang lugar na puntahan ng mga sawi.

Iba-iba ang karanasan nila sa pagiging sawi na hindi nalalayo sa tunay na karanasan ng limang bida sa pelikula.

Si Andi ay common knowledge ang nangyari sa kanila ni Jake Ejercito na umingay kamakailan matapos silang magtalakan sa Twitter. Si Bela ay may kakaibang karanasan sa naging relasyon nila ni Jason Abalos. Si Yassi na hindi pinangalanan ang nagbigay sa kanya ng ‘sakit sa puso’ at si Arci na bagama’t hindi binabanggit ang pangalan ay maraming nakakaalam na si Kean Cipriano ‘yung dini-describe niyang nagdala ng matinding sakit ng kalooban sa kanya ng kung ilang taon.

So far wala pang nababalitang may ganitong concept (Camp Sawi), parang rehab na puwedeng paglagakan ng mga babae o lalaking sawi at nagdurusa ang puso.

Maging si Sam Milby ay alam ng lahat ang  naging kasawian sa naging relasyon nila ni Anne Curtis na matagal niyang ininda.

Sa kasalukuyan ay lahat sila, naka-recover na at maliligaya sa piling ng kanilang mga karelasyon.

Camp Sawi is a Joyce Bernal production para sa Viva Films and N2, written and directed by Irene Villamor.

Sa magandang lugar sa Bantayan Island nag-shooting ang pelikula.

John Lloyd and Maja, parang sila na

Todo-bonding nga pala sina John Lloyd Cruz and Maja Salvador sa Davao after ng Kadayawan Festival.

Sa mga nagkalat na photos sa Instagram, meron silang mga kasama at hindi naman nagso-solo sa beach na pinuntahan.

Nauna nang nag-‘press release’ si Maja nang manood sila ng pelikula na How to be Yours na pelikula nina Bea Alonzo and Gerald Anderson.

So malabo ang isyung balikan nina John Lloyd at Angelica Panganiban? 

Panahon sa NZ nakikisama kina Piolo at Yen

Nakaka-day 6 na pala ng shooting ang pelikulang Once in a Lifetime nina Piolo Pascual and Yen Santos sa New Zealand.

Kahapon sa photos ni Direk Manny Valera sa Facebook, na namamahala ng shooting ng Regal movie sa NZ, nag-last sequence sila ng day 6.

“Super kilig sina Piolo Pascual and Yen Santos. Patawa naman si Jerald Napoles. Sunny day, no rain, not windy. Thank you Lord for the good weather. Thank you Team OIAL for the hard work and professionalism. Mabuhay!”

Almost 90% daw ng movie ang kukunan sa NZ. Intended ito for Metro Manila Film Festival (MMFF).

*****

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with