^

PSN Showbiz

Movie nina Gerald at Arci mas malaki raw ang kita kesa sa How To Be Yours?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nag i-inject daw ba ng glutathione si Bea Alonzo? Tisay na tisay daw kasi ang aktres sa pinalalabas nilang pelikula sa mga sinehan na How To Be Yours with Gerald Anderson. Hindi naman daw kasi ganun katisay si Bea sa mga dati niyang pelikula pero sa HTBY, ang puti-puti raw tapos blonde pa ang color ng hair kaya lalo pa siyang nagmukhang tisay.

Anyway, true rin kaya na mas malaki pa ang first day gross ng Always Be My Maybe nina Ge­rald at Arci Muñoz kesa sa How to be Yours? ‘Yun ang kuwento ng isang booker na katsika ko. Ang Always Be My Maybe ang last movie ni Gerald with Arci nga.

Luis never daw ilalaglag si Jessy

All the way ang support ni Luis Manzano kay Jessy Mendiola kahit nagpi-fiesta pa rin ang bashers.

Feeling ni Luis, mas kailangan ni Jessy ang kanyang suporta na nag-umpisa ang galit ng haters nang masungkit ng Kapamilya actress ang FHM sexiest title.

Suking-suki kasi ng bashers si Jessy for weeks now na mas nadagdagan nang rumampa siya kamakailan sa victory party ng naturang magazine.

Teka, bakit nga ba parang biglang ang daming galit kay Jessy? May nagawa ba siyang masama?

Bagama’t umiiyak siya sa interview, ayon sa isang source kini-keri ni Jessy ang mga birada.

Well, ang suwerte lang ni Jessy meron siyang katulong sa bashers kahit sinasabi nila pareho na hindi pa naman sila officially on.

Kathniel hinay-hinay muna sa relasyon

In all fairness, parang hindi naman totoong nawawala na sa eksena sa mga maitutu­ring na isa sa perfect pair - sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o ang KathNiel.

Isa pa rin sila sa pinakasikat na love team sa bansa ngayon.

Kaya naman sila ang napisil ng San Marino Corned Tuna bilang bagong Celebrity Ambassadors kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang lahat na muling malaman sa pamamagitan ng kanilang TV commercial kung paano nagsimula ang lahat sa kanila.

Sabi nga ni Daniel, marami na silang nagawang ads na dalawa, pero ang I Found My True Love in San Marino Corned Tuna ad lang ang makakapagpakita kung paano sila nagkakilala at ang mga naging adventures nila bilang isang love team.

“Kilig ang commercial,” saad ni Kathryn.

Dugtong naman ni Daniel ng nakangiti, “Kilig, pero napaka-natural.”

Hindi na nga sikreto na ang KathNiel’s love team on-screen ay mas nag-grow na. Pero ‘yung love na meron sila, naging real life na rin ba? Have they found true love in each other?

“Maybe,” ang natatawang sagot ni Daniel.

Si Kathryn naman, “Siya na lang ang tanungin n’yo dyan,” bago natatawang inamin din na, “maybe!”

Ayon din kay Daniel, ang pagdi-date nila ay higit na sa getting-to-know stage. It is already in the “dating comfortably” stage—pagkain sa labas, manood ng sine, discovering new restaurants, group dates or mag-out-of-town kasama ang kanilang mga kaibigan at minsan, ang kanilang mga nanay. At katulad nga ng kanilang love team na mas gusto nilang sila muna ang magkapareha, they are exclusive and want to take it slowly, discovering new things, taking things to a different level one step at a time.

At sa kanilang latest movie, ibang KathNiel ang mapapanood ng mga tao sa kanilang bagong pelikula na kinunan pa sa Barcelona City. Pero anuman daw success na meron sila ngayon ay dahil na rin sa suporta ng kanilang fans.

Masayang-masaya nga sina Daniel at Kathryn na sila naman ang mga bagong ambassadors ng San Marino Corned Tuna.

“It’s a blessing, sobrang bait din ng mga may-ari,” saad ni Daniel.

Naniniwala naman si Kathryn sa sarap at healthy benefits na makukuha sa San Marino Corned Tuna na good for the heart, less oil more tuna. Mayaman sa Omega 3 at DHA at good for the heart and brain.

Aniya, “Actually, noong una ko pa lang natikman ang San Marino Corned Tuna, nagulat ako kasi, ang sarap!... and ever since, I like it with crackers.  Tapos, healthy pa.”

Dugtong pa ni Daniel, “Healthy pero ang sarap.”                                                                                                              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with