^

PSN Showbiz

DZMM maraming paandar sa 30th anniversary

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iba’t ibang uri ng serbisyo publiko ang ihahatid ng DZMM 630, ang flagship AM radio station ng ABS-CBN, sa pagdiriwang nito ng ika-30 anibersaryo ngayong Linggo (Hulyo 31) sa DZMM Grand Kapamilya Day. 

Gaganapin sa San Andres Sports Complex in Malate, Manila ang Grand Kapamilya Day kung saan tinatayang daan-daang tao ang maka­kakuha ng libreng check-up, legal consultation, at lectures tungkol sa pagnenegosyo at pagtatanim habang nakikisaya kasama ang mga Radyo Patrol reporter at anchors ng DZMM. 

Bawat programa ng DZMM ay may pakulo para sa mga tao, tulad ng pa-Zumba ng DZMM Traffic Angels, business talk ni Dr. Carl Balita ng Radyo Negosyo, diskusyon sa consumer rights kasama si Usec. Vic Dimagiba ng Konsyumer Atbp, at isang emergency-prepared­ness training kasama si Atom Araullo ng Red Alert. Usapang organic farming naman ang hatid ni Louie Tabing ng Sa Kabukiran, habang may aura reading si Stargazer, at beauty segment si Cory Qui­rino. May pa-raffle rin ang ilang ABS-CBN Current Affairs shows at DZMM programs, kabilang ang Failon Ngayon, My Pu­hunan, Sala­mat Dok, Kabayan, Dos Por Dos,  at Usapang De Campanilla.

Isang medical mission din ang magaganap mula sa DZMM TLC, na magbibigay ng libreng pap smear, free ECG, minor surgery, diamond peel, prostate test, katuwang ang Salamat Dok at Magandang Gabi Dok.

Bago pa ang Grand Kapamilya Day, nagsagawa rin ang DZMM ng malaking bloodletting event at ang 3rd Red Alert Emergency Expo na nagturo ng emergency-preparedness sa mga estudyante at guro. Para sa ika-30 anibersaryo, naglunsad din ang DZMM ng 30th anniversary logo, isang bagong Station ID tampok si Piolo Pascual, at isang special segment na Kwento ng Tatlong Dekada, na binabalikan ang malalaking balitang naging bahagi ng kasaysayan ng DZMM at ng bansa. 
Makilahok sa Grand Kapamilya Day ng DZMM sa Linggo, Hulyo 31, sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila mula 7am hanggang 5pm.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with