^

PSN Showbiz

Adik at pushers sa showbiz isusunod na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Maraming taga-showbiz ang tiyak na takot nga­yon na ipagpatuloy ang paggamit ng ipinagbabawal ng droga dahil sa pinaigting na kampanya na ipinatutupad ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Boluntaryong sumuko sa mga pulis sa Toledo City sa Cebu ang Pinoy Dream Academy runner-up na si Jay-R Siaboc na natatakot din para sa kanyang buhay.

Boluntaryo ring nagtungo sa police station ang actor na si Julio Diaz hindi para sumuko kundi para linisin umano ang kanyang pangalan dahil nasa watch list siya ng mga pulis sa kanilang lugar.

Inamin ni Julio na gumagamit siya dati ng ipinagbabawal na gamot dahil sa demand ng kanyang trabaho bilang actor pero ito’y tinalikuran na raw niya laluna nang malagay ang kanyang buhay sa peligro kamakailan lamang.

Kung maraming drug users and drug pushers ang sumuko sa mga kinaukulan sa pangakong magbabago, gawin din kaya ito ng mga taga-showbiz na gumagamit din sa ipinagbabawal na gamot?

Marami na ring buhay at career ang nasira nang dahil lamang sa droga.

May listahan na rin umano ang mga pulis kung sinu-sino sa mga taga-showbiz ang gumagamit ng droga hanggang ngayon.

Cesar at Sunshine nag-aabang maging malaya

Hindi na siguro mahalaga at dapat pansinin ng ex-couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz kung may mga negatibo mang reaction (sa relatives ni Cesar) na may kinalaman sa aksidenteng pagtatagpo ng mag-aamang Cesar, Angelina, Samantha at Francesca sa isang restaurant sa Resorts World Manila ilang linggo na ang nakakaraan.

Siguro ang mahalaga sa ngayon ay muling nabuksan ang pintuan sa pagitan ng mag-aama na halatang sabik sa isa’t isa.

Kung ang aksidentang pagkikitang ‘yun ng mag-aama ay magi­ging daan ng muling pagiging close nila, so be it regardless kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Imposible man na magkabalikang muli sina Sunshine at Buboy, ang mahalaga ay puwede sila muling maging magkaibigan or the least ay ma­ging civil sa isa’t isa alang-alang sa kanilang mga anak na siyang nag-suffer sa kanilang paghihiwalay.

Pareho na nilang gustong matapos ang kanilang annulment.

Piolo at Iñigo mas kinaaawaan

Nakakalungkot isipin na binigyan ng malisya ng ibang tao ang litrato ng mag-amang Piolo at Iñigo Pascual kung saan nakitang nakayakap ang binatilyo sa kanyang ama habang nagpapahinga.

Alam ng marami na hindi lumaki si Iñigo sa piling ng kanyang ama kaya nagka-catch-up sila ngayon. Sinusulit ni Piolo ang kanyang pagiging ama kay Iñigo kapag may libre silang oras.

Sweet ang mag-amang Piolo at Iñigo sa isa’t isa kaya super bonding sila kapag may free time. Nakaalalay at nakasubaybay si Piolo sa kanyang teenage son lalo na ngayong pumasok na rin ito ng showbiz at unti-unti sumusunod sa kanyang mga yapak laluna pagdating sa hilig nito sa musika.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with