^

PSN Showbiz

Albie hindi na naaalala ang ‘anak’ kay Andi?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ako ay kasama sa mga unang bashers ng mabilis na sumisikat na si Albie Casiño. Naniwala kasi ako na ang anak ni Andi Eigenmann na ayaw niyang kilalanin at pilit itinatanggi was a blessing to any man, totoo mang anak niya ito o hindi. It was ungentlemanly of Albie na huwag itong kilalaning anak. Palagi ko kasing naaalala na kung si Robin Padilla nga na sobrang sikat ay walang tinatanggihang anak, kahit na ‘yung mga obvious na hindi kanya, bakit naman ang kabataang artista, eh sukdulan ang pagtanggi?

Tanggap na marahil ng marami kung ano ang totoo sa isyu na ito at nakakawala na ang batang aktor sa pagkamuhi at galit ng mga katulad ko bagaman at pumapasok pa rin sa isipan ko na kahit may umaangkin nang ama sa anak ni Andi ay posible pa ring maging ama si Albie ng bata. 

But that’s all water under the bridge now. Nabawi na ng kabataang aktor ang kanyang kapit sa mga manonood at fans. Handa na muli nila siyang pagkatiwalaan. Salamat sa Forevermore at On The Wings of Love na kahit kontrabida ang mga role niya ay hindi ipinagdamot sa kanya ng manonood ang kanilang suporta’t papuri dahil sa mahusay niyang pagganap.

Ang daming nalulunod sa paghanga sa kanya dahil sa maganda niyang pangagatawan at matalinong pagsagot sa kanyang mga interview. Mara­ming bading din ang nagkakandarapa makuha lang siya o maski na lamang ang kanyang atensyon. Sa halip na magalit, natatawa na lamang siya. “I have no control on how people will react,” ang madalas niyang sagot sa mga tanong tungkol sa napakaganda niyang physique na sabi niya ay bunga ng maraming panahon na ginugugol niya sa gym at nagagamit naman sa kanyang mga proyekto.

“Pero, hanggang sa pagpapakita lang muna ako ng butt, ‘yung frontal nudity eh, saka na, kapag kakayanin ko na,” rason ng aktor na talagang nakitaan ng puwet sa isang Regal Films movie kung saan ay gumaganap siyang karelasyon ng isang bading na ginagampanan ni Eric Quizon.

Maxine Medina kailangang magpa-impress sa Miss U

Mga beki ang talagang magpipista sa pagdaraos dito ng Miss Universe pageant sa January 2017. Pumayag na si President Rodrigo Duterte na dito ganapin ang napakalaking event na ito na inaasahang pagkakagastusan nang ma­laki ng bansa. Inanunsyo na ng Dept. of Tourism sa pamamagitan ni Sec. Wanda Teo na magaganap nga ang Miss U sa unang buwan ng susunod na taon sa bansa. Ang malaking gastos nito ay pagtu­tulungan ng nagmamay-ari ng SM na si Henry Sy at ng bilyonaryong Hapon na si Kazuo Okada. Kailangang magpa-impress ngayon pa lang ng Bb. Pilipinas Universe natin na si Maxine Medina na manalo man o hindi ay hindi mawawalan ang mga tao ng maipipintas sa kanya. Maraming beses ay nakakalimutan ng lahat na siya ang isasalang ng bansa sa Miss U at hindi si Pia Wurtzbach na siyang humahawak ng pang-internasyonal na titulo.

Sarah nagagawa na ang lahat ng gusto

Mukhang nakabuti naman sa mga tagahanga ni Sarah Geronimo ang pag-alis niya sa poder ng kanyang mga magulang. Kahit nasa bakasyon siya ay nakikita siyang madalas ng publiko na kung hindi nagpapraktis para sa ASAP ay nagluluto naman. Kamakailan ay nakita siyang kasama ng nobyong si Matteo Guidicelli sa isang hiking trip. Bakas sa mukha ni Sarah ang kasiyahan sa kanyang ginagawa. Abala man siya ay kuntento naman ang kanyang isip sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon at ito sigurado ang naglalagay ng ningning sa kanyang mga mata ngayon.

VP Leni may bagong ‘kalaban’!

Mukhang sa asawa naman ni Sen. Bongbong Marcos magkakaroon ng away si VP Leni Robredo. Nagsimula na siyang paringgan ng ina  ni Sandro Marcos. Pero kung ang away kay DU30 ay agad nitong napayapa, ‘yun pa kayang sa pagitan nila ng dating senador at mga kaanak at tagasubaybay nito ang hindi?

Vin mabenta sa iyakan

Ang bilis naman, pero makakadalawang guesting na si Vin Abrenica sa Maalaala Mo Kaya mamayang gabi. Pangungunahan nina Jay Manalo at Cherry Pie Picache ang kuwento ng mag-asawa na gumawa ng isang banda kasama ang mga anak na sina Marko (Sam Concepcion) at Niko (Vin).

Para maituro niya ang kanyang kaalaman sa mga anak, nagdesisyon si Jake (Jay) na silang pamilya ay bumuo ng isang banda. May mga kasama silang dancer at isa sa mga ito si Lyca (Karen Reyes) na naging karelasyon ni Marko dati.

Nagkaroon si Jake at Lyca ng relasyon. Natunugan naman ito ni Vivien (Cherry Pie) kaya naman iniwan niya ang kanyang asawa at mga anak. Sina Marko at Vino naman ay naging malayo ang loob sa kanilang ama.

Kasama sa episode ng MMK sina Jane de Leon, Jon Lucas at Claire Ruiz. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Jerome Chavez Pobocan at panulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with