^

PSN Showbiz

Aktor na nilayasan ng misis, wala pa ring kupas ang katamaran

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang gabi ay naging paksa sa isang umpukan ang isang showbiz couple na ilang taon na ring hiwalay. May kani-kanyang buhay na sila ngayon, wala nang pag-asang magkabalikan pa, maraming nanghihinayang sa kinauwian ng kanilang relasyon.

Kung tatanungin ang mga nasa umpukan ay ibinibigay nila sa male personality ang mas malaking bulto ng dahilan kung bakit nauwi sa wala ang pagsasama nila ng babaeng personalidad.

Sabi ng isang source, “May katamaran ‘yung lalaki. Mabigat ang katawan niya. Lumalaki na ang kanilang mga anak, nag-aaral na ang isa, kaya malaking problema ng babae kung saan sila kukuha ng pangtustos sa pag-aaral ng kanilang panganay.”

Sabi pa ng isang source sa umpukan, “Alam kasi nu’ng lalaki na anytime, e, may puwedeng takbuhan ang misis niya. Ano ang ginagawa ng mga sisters niya na madatung?

“Matitiis ba naman siya ng mga kapatid niya? Walang ibang matatakbuhan ang girl kundi ang mga sisters niya, nakakakuha naman siya, wala na ngang bayaran ‘yun, sponsorship na lang!

“Pero hanggang kailan hihingi ng tulong ang girl sa mga kapatid niya, palagi na lang bang ganu’n, hindi man lang kumikilos ang asawa niya para sa kabuhayan showcase nila?” sunud-sunod na tanong ng impormante.

Isang araw ay nagdesisyon ang girl, hindi na nito kayang tiisin ang katamaran ng kanyang mister, dala-dala ang kanilang mga anak ay nag-alsa-balutan ito.

“Pansamantala siyang nakitira sa house ng isang kapatid niya habang ina­ayos ang lilipatan nila. Naghahabol ang lalaki, pero pusong-bato na ang girl, never again na ang motto niya sa buhay.

“Napakaganda na ng buhay ngayon ng girl at ng mga anak niya, nakatagpo siya ng lalaking magmamahal sa kanilang mag-iina, habang nganga naman hanggang ngayon ang may katamarang aktor na umaasa na lang sa tulong ng kanyang mga kaibigan,” pagsasarado sa kuwento ng aming source.

Ubos!

Alden inuuna ang fans kesa sa pagkain

Sa isang hindi kalayuang probinsiya sa Maynila ang tinanggap na show ni Alden Richards. Mula sa kanyang regular na kalyeserye ay nag-recording muna siya. Nakipagmiting pa siya pagkatapos sa mga boss ng GMA-7.

Ubos na ang lakas ni Alden, nagmamakaawa na ang kanyang mga mata para sa isang masarap na pag-idlip, hindi na siya nakakain dahil sa sobrang pagod.

Ginamit niya ang panahon ng pagbiyahe sa pagtulog. Nang makarating sila ng kanyang PA sa mismong lugar ng show ay kagigising lang niya, gutom pa, pero walang nakahalata.

Pagdating nila sa bahay na kakainan nila ay dumaluyong agad ang sangkatutak na fans na gustong makahalik-makayakap sa kanya, kani-kanyang pakuha na rin ng retrato ang maraming nandu’n, hindi na nakawala si Alden para kumain muna.

Kuwento ng kaklase namin sa kolehiyo na may-ari ng magarbong bahay, “Bumulong ang PA niya, pinakakain muna siya dahil gutom na gutom na nga si Alden, pero sinenyasan niya ang kasama niya. Teka lang daw muna.

“Ang katwiran ni Alden, e, baka raw hindi na maulit pa ang pagpunta niya sa lugar na ‘yun, baka ibang artista na ang mag-perform sa mga susunod nilang fiesta, kaya pinagbigyan na niya ang lahat ng mga nagpapa-picture sa kanya.

“Napakabait na bata. Walang kayabang-yabang. Hanggang nu’ng kumakain na siya, e, may mga lumalapit pa sa kanya para magparetrato. Pinagbigyan pa rin niya ang lahat.

“Wala lang, sis, naikuwento ko lang ito sa iyo dahil three years ago, si ____(pangalang ng sikat at guwapong hunk actor) ang inimbita namin para sa coronation ng local beauty pageant namin.

“Grabe sa dami ng entourage niya, ni hindi siya malapitan, kinokordonan talaga siya. E, si Adlen, PA at driver lang niya ang kasama, very generous sa pagpapasaya si Alden, kaya sisikat pa siya nang todo,” kuwento ng aming kaibigan-kaklase.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with