^

PSN Showbiz

Tommy at Miho parehong seloso

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila ng kanilang relasyon na medyo matagal-tagal na rin, hindi pa sineseryoso nina Tommy Esguerra at Miho Nishida ang pagpapakasal. Feel ng dalawa ay may dapat pa silang unahin, tulad ng pagpapaganda ng kanilang karera lalo na ngayong nagsisimula nang dumating ang mga trabaho. Bukod sa pagiging cast ng Funny Ka, Pare Ko na napananood tuwing Linggo ng gabi sa Cine Mo ay mayroon din inihahandang teleserye ang ABS-CBN para sa kanila.

Sa unang salang nila sa Funny Ka, Pare Ko ay ginulat nila agad ang mga dinatnan na nagti-taping ng sitcom na sina Karla Estrada at Bayani Agba­yani dahil sa bilis nilang magpatawa ng manonood.

Ang kailangan na lamang nila ay bawasan ang pagiging seryoso sa isa’t isa. Marami silang pinagseselosan na mga nagpapa-pogi at nagpapaganda sa kanila.

Maine kabaliktaran sa ugali ni Alden?!

Hindi na nga early kundi isang belated thanksgi­ving party o blowout ang ibinigay ni Alden Richards sa entertainment press nung Martes ng hapon.

‘Yun ang malaking kaibhan ni Alden sa mara­ming artista. Kaya naman marahil inaabot ito ng katakut-takot na suwerte sa trabaho niya.

Feeling ko tuloy, worth it ‘yung pag­labas ko ng bahay para matanggal ang aking boredom at kabalisahan sa patuloy na pananatili ng bahay para tuluyan akong gumaling. Tingin ko ay mas lu­malim pa ang dimples niya at kuminis ng 100% ang mukha niya na akala ko ay may ipinabago siya only to realize later on na dulot lamang ito ng kawalan niya ng tensyon at problema na siyang nagpapapangit sa marami sa atin.

Paano ba siya papangit, eh maganda ang takbo ng karera niya at malusog siya, huh? No wonder, alagang-alaga siya ng GMA maski na ng kapareha niya sa Eat Bulaga na sinasabing opposite ng personalidad niya. At kung si Maine Mendoza ay malayo ang loob sa media at walang pakialam sa kanila, Alden has made his mark by not only hosting a much, much belated thanksgiving kundi isa na ring maituturing na maagang Pamasko sa media.

Aalis yata siya pa-abroad, sa US at Canada at bago pa muli siyang mawalan ng panahon ay ginanap na ang maaga niyang pasasalamat.

Lovi excited sa tikiman nila ni Boyet

You’d think na mabuburyong si Lovi Poe dahil hanggang ngayon ay wala pang nakakapalit sa puso niya si Rocco Nacino. Wala pang taong nakakapagpasaya sa kanya. Pero hindi siya sad dahil choice niya ang mapag-isa, hindi ito dulot ng tadhana. Kung gugustuhin niya ay madali siyang makakahanap ng lovelife, pero siya ang tumatanggi.

It made her comfortable na wala siyang problema sa mga ginawa niyang eksena sa The Escort with Derek Ramsay.

Sa init ng mga ito ay hindi maaaring hindi sila magselos kapag napanood pero dahil nga free siya kung kaya walang nagselos o na-insecure. Looking foward siya sa init na mga eksenang gagawin niya next with Christopher de Leon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with