^

PSN Showbiz

Alden at Maine tuloy na sa teleserye!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Matutuwa ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa plano na pagsamahin sila sa isang teleserye.

Ikinuwento ni Alden sa thanksgiving party niya para sa entertainment press ang balak na teleserye na pagbibidahan nila ni Maine pero hindi na siya nagbigay ng ibang detalye.

Napag-usapan din sa thanksgiving party ang mga basher ni Alden.

Dyusko, hindi na dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang mga basher dahil nagpapapansin lamang sila ‘no!  Mahirap talaga na i-please ang ibang mga tao, lalo na ang mga bitter, inggitero at malungkot ang mga buhay.

Kaya nga basher ang tawag sa kanila dahil punumpuno sila ng bitterness at inggit sa katawan. Sila ang mga tao na hindi matanggap na nagtatagumpay si Alden dahil ito ang simbolo ng kanilang failures. ‘Yung mga na-achieve ni Alden, never nila na maaabot at mararanasan.

Nag-win ako ng P2 kiyaw sa raffle draw ni Alden. Natawa ako dahil siya pa ang nahiya dahil maliit lang ang halaga ng datung na napanalunan ko.

Maliit man o malaki, happy ako dahil nag-effort si Alden na i-share ang blessings niya sa entertainment press.

Ginanap sa isang events place sa Quezon City ang thanksgiving party ni Alden. Libre na ipinahiram ng may-ari ang lugar dahil tagahanga ni Alden ang kanyang mga anak.

Nagkuwento rin si Alden tungkol sa dinner date nila ni Maine sa isang five star hotel na hinding-hindi ko malilimutan.

Secret ang mga dinner date ng dalawa sa nasabing hotel pero nalaman ng publiko dahil may isang mahadera na palihim na kinunan sila ng litrato at ikinalat sa social media.

Safe zone ang tawag ni Alden sa favorite place nila ni Maine na hindi nakakapagtaka dahil private at romantic ang nasabing hotel na paborito rin ng isang aktor na hindi ko na papangalanan dahil ayoko nang balikan ang nakaraan.

Libing ni Marcos isasabay sa kanyang birthday!

May mga kutob na ililibing ang labi ni former President Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa kanyang birth anniversary at ito ay sa September 11.

Nang makausap ng entertainment press si former Senator Bongbong Marcos noong Martes, sinabi niya na balak nila na ipalibing ang kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani sa September pero wala pa raw silang naiisip na petsa. Ipinapaubaya ni Papa Bongbong ang lahat ng mga desisyon sa kanyang ina, ang former First Lady na si Mrs. Imelda Romualdez- Marcos.

Nag-one-plus-one ang mga reporter na baka maganap ang paglilibing sa da­ting pangulo sa September 11 dahil ito ang kaarawan niya.

Payag si President Rodrigo Duterte na ilibing ang former president sa Libingan ng mga Bayani bilang sundalo at hindi lamang dahil dating pangulo siya ng bansa.

Nang ikuwento ni Papa Bongbong ang plano nila sa September, nabulabog at nag-ingay uli ang mga anti-Marcos na ayaw ipalibing ang ex-president sa Libingan ng mga Bayani. Naniniwala kasi sila na matutuloy na talaga ang plano dahil sa mga detalyado na pahayag ni Papa Bongbong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with