^

PSN Showbiz

Female personality na yumaman, nakalimot sa mga inuutangan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Masama ang loob ng aming source na dati’y itinuturing na salbabidang may hangin ng isang female personality. Kapag nangangailangan ang babaeng personalidad ay tumatawag siya sa aming source para mangutang.

Wala siyang pinipiling oras. Umaga, tanghali, gabi o madaling-araw, kapag nangangailangan siya ay parang may patago siya sa aming source, tatawag-pupunta siya sa bahay nito para kunin ang pera.

Ang madalas na dahilan ng pangungutang ng female personality ay ang mapuputulan na sila ng kuryente. May mga pagkakataong hinugot na talaga ang kanilang metro kaya kailangan niyang magbayad sa opisina ng Meralco.

Hindi na mabilang ng aming source kung magkano ang kabuuang halagang nakuha sa kanya ng babaeng personalidad sa dami. Ang alam lang nito ay malaki, lista ‘yun sa tubig, dahil hindi na ito binayaran ng female personality.

Naungkat lang ang kuwentong ito dahil nagkita uli sila pagkatapos nang ilang taon sa isang birthday party. Kilalang-kilala ng babaeng personalidad ang source, imposibleng hindi, dahil ito ang utangan niya nu’ng mga panahong walang-wala pa siya.

Pero hindi man lang niya binati ang taong madalas magsalba nu’n sa kanya, ni simpleng hello ay wala, kaya nagdamdam ang source. Napakabilis daw na nagka-amnesia ang female personality.

Mapera na ngayon ang babaeng personalidad, bonggang-bongga na ang kabuhayan niya ngayon, imposible na silang maputulan ng kuryente dahil napakalaki ng kinikita ng kanyang anak na nagpabago sa takbo ng kanilang buhay.

Sabi ng isang impormanteng nakasaksi sa pangdededma ng female personality sa dati niyang inuutangan, “Imposibleng ibang tao ang nakita ng friend ko. Sa laki niyang ‘yun, hindi siya makikilala?”

Ubos!

Pagpapakatotoo ni Maine nakaka-nega!

Negatibo ang pagtanggap ng marami nating kababayan sa pinakahuling blog ni Maine Mendoza na may titulong “That’s How It Works.”

Sa daloy kasi ng blog ay pinanindigan ni Maine na walang kahit sinong magtatagumpay na baguhin ang kanyang naturalesa para siya magustuhan ng publiko.

“We are not born to please everybody,” madiin pa niyang sabi. Kung ano raw siya ay ‘yun na siya, sa tanggapin man siya o hindi ng iba ay wala na siyang pakialam, basta magpapakatotoo raw siya.

Sa mundo raw ng kinabibilangan niya ngayon ay na-master na ng marami ang pagiging pretensiyoso. Hindi raw niya ‘yun gagayahin, basta magpapakatotoo raw siya, magustuhan man siya o kainisan ng iba.

May mga puntong tama si Maine, mas maganda nga naman ang pagiging totoo kesa sa pagiging plastik, pero sa mundo ng showbiz na ginagalawan at pinagkakakitaan niya ngayon ay kailangan niyang makipagkita sa gitna.

Hindi lahat ng naturalesa ay katanggap-tanggap, may totoong ugali na hindi gusto ng mas nakararami, kaya kailangan niyang makisama-makibagay. Walang nagsasabi sa kanya na maglumuhod para lang siya magustuhan ng lahat, pero dahil pampublikong pigura siya ay kailangan niyang yumukod nang kahit kaunti lang, dahil ang mundo ng lokal na aliwan ay isang mundo ng pakikisama at pakikibagay sa mga dinatnan niya.

Sa blog ni Maine ay makikilala na natin ang tunay niyang ugali. Siya mismo ang naglalantad ng kung anumang ugaling meron siya. Hindi na ibang tao ang kailangang magpakilala sa kanya dahil si Maine Mendoza na mismo ang naglalarawan sa kanyang sarili.

Kailanman ay hindi krimen ang pagpapakatotoo. Pero ang ituring mo ang iyong sarili na para kang dambuhalang araw na kailangang ikutan ng mga planeta ay ibang usapan na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with