^

PSN Showbiz

Alden hindi na ihihiwalay kay Maine

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang si Coco Martin ang inurungan ni Jennylyn Mercado kundi ma­ging ang Pambansang Bae na si Alden Ri­chards.

Balitang malaki ang kinita ng first solo mo­vie ng AlDub bagama’t wala pang official figure kaya hindi magagawang sirain ng Kapuso Network ang impact na nagagawa ng movie sa pamamagitan ng pagpapareha kay Alden sa iba, bukod pa sa kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza, kahit na sa isang box-office actress na tulad ni Jennylyn. Masisisi ba ang GMA kung pangalagaan nila ang Kapuso actor?

Isang proyekto ang balak ipagawa kay Alden na si Maine ang makakasama nito.  

Ate Vi mas type na si Jessy kesa kay Angel?

Nawala na talaga si Angel Locsin sa frame ni Luis Manzano ngayong pati ang ina ng TV host na si Cong. Vilma Santos ay boto na rin sa Sexiest Pinay na si Jessy Mendiola para sa kanyang anak.

Inimbita ng pulitiko/aktres ang sinasabing ka-on ng anak niya sa kanilang bahay sa Alabang para sa isang hapunan. Inalam lang marahil ng sikat na ina ang totoo kina Luis at Jessy. After their meeting ay naniniwala ngayon ang kongresista na mature na ang dalawa para harapin ang sitwasyon nila.

“Gusto ko lang silang pagsa­bihan na maging kalma sa pag­harap sa kanilang problema, na huwag silang patol nang patol,” anang ina na nabahala rin nung una pero, naniniwala na hindi magagawang pagtaksilan ng kanyang anak si Angel Locsin, kung sila pa.  

Vice ginaya pati si Bea

Isa si Judy Ann Santos sa interesadong mag-guest sa Ang Probinsyano. Napapanood niya ang serye at humaha­nga siya sa mga ideya na iniaambag ng bida nito na si Coco Martin sa palabas.

Bilib siya sa katapangan nitong mag-eksperimento ng mga bagong ideya at kuwento para sa ikagaganda ng programa. Kung kay Piolo Pascual ay may alinlangan pang makitambal si Juday, kay Coco ay hindi siya magdadalawang isip na mag-guest sa AP. 

Sa ngayon, si Vice Ganda ang guest sa AP. Marami ang nakaalala sa movie nina Bea Alonzo at Enrique Gil sa eksena na kung saan ay nasira ang kotse ni VG sa ulanan. Kontrabida din kaya si VG sa guesting niya sa AP?

Liza at Enrique totohanan na

Obvious namang totohanan na ang samahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Wala lang muna sigurong kissing scene sa tunay na buhay o maski na sa harap ng kamera na marahil ay ka­gus­tuhan at kahilingan ng pamilya ni Liza. Okay naman ito sa dalawa na mayroong mga ginawang kondisyon para sa isa’t isa, gaya ng bawal na silang makipagmabutihan sa iba.

Encantadia at Sinungaling… matindi ang natapatan

Malaking challenge din para sa Encantadia ang maitapat sa isang matagal nang pinapanood na Ang Probinsyano. Ganun din ang challenge na nakuha ng Sinungaling Mong Puso.

Bentahe lamang ng dalawang bagong palabas na mayro’n nang naunang palabas at ikalawang ber­syon lamang sila ng isang naunang serye at isang pelikula kaya madali ang recall sa kanila.

Ang mahirap lamang ay makasabay sila kundi man maungusan ang mga nauna at orihinal na palabas.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with