^

PSN Showbiz

Julius at Tintin ?hindi kinakaligtaang mag-date!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao na kahit magti-thirteen years nang kasal at mag-asawa ay hindi pa rin na­wa­wala ang pagiging sweet sa isa’t isa kahit may dalawa na silang supling, sina Antonia Sofia (11) at Antonio Francesco (7).

Once a year, the couple makes it a point na bumiyahe sa ibang bansa na sila lamang dalawa.

The other week, nagtungo ng Tokyo, Japan ang mag-asawa where they met-up with their inaanak na si Aila Marie Amoyo Reyes? (daughter ng inyong lingkod)?.

Plano rin ng mag-asawa na mu­ling bumalik ng Japan kasama ang kanilang dalawang anak na itataon naman nila sa Cherry blossoms season sa last week of March or first week of April next year.

?Samantala, may isang favorite place ang mag-asawa na isang resto-bar-café sa Shangri-La Plaza kung saan sila madalas pumunta nung nagkakaligawan pa lamang. Hanggang ngayon ay madalas pa rin nilang puntuhan ang nasabing lugar kapag sila’y nagmu-mall sa Shangri-La Plaza.

Napaka-ideal couple nina Julius at Babao na kahit working parents ay naglalaan parati ng oras para sa kanilang pamilya.

Last Saturday evening, muling magkakasama ang mag-anak na nag-mall at nag-shopping sa Shangri-La Plaza at nag-meryenda at nag-dinner sa Dome’s Café kung saan sila muling nagkita-kita with Aila na kasalukuyang in town for a business trip.

?Samantala, ?kahit eleven years pa lamang si Anya (Antonia Sofia) ay 5’5” na ang taas nito kaya tatangkad pa ito nang husto. Maganda ang boses ni Anya at mahilig sa musika at mag-cosplay. Kung papayag ang kanyang mga magulang, gusto rin ni Anya na mag-aral sa Japan tulad ng kanyang kinakapatid na si Aila.

“Malakas ang loob ni Anya na mag-aral sa Japan dahil sa kanyang Ate Aila,” natatawang pahayag ni Tintin.

Vice Ganda hindi nakatanggi kay Coco

Pagkatapos ni Cesar Montano, ang bestie na­man ni Coco Martin na si Vice Ganda ang mag­ka­karoon ng special guest appearance sa top-rating primetime TV series na FPJ’s Ang Probinsya­no simula ngayong gabi (July 25).

Si Coco mismo ang nag-suggest at nakiusap sa kanyang best friend na si Vice Ganda na magkaroon ng guest-appearance sa kanyang tumatakbong TV series at hindi naman siya pinahindian ni Vice Ganda na may kakaibang character sa serye.

Bukod sa serye, sina Vice Ganda at Coco ay muling magtatambal sa isang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie bilang follow-up sa kanilang mega-hit movie 2015 MMFF, Beauty and the Bestie na umabot ng P520-M ang kinita sa takilya at idinirek ng yumaong box-office director na si Wenn Deramas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with