^

PSN Showbiz

Miggs biktima ng sexual abuse!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sigurado ka bang ligtas ang anak mo mula sa masasamang elemento sa lipunan? Ano ang gagawin mo kung siya ay mawala sa’yo at paulit-ulit na maging biktima ng sekswal na pang-aabuso?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang isang nakadudurog ng pusong episode na magbibigay-aral sa mga magulang upang ‘wag ipagsawalang-bahala ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga anak.

Ginagawang umaga ni Lisa ang gabi sa pagkayod huwag lamang mahin­to sa pag-aaral ang kanyang mga anak, matapos niya itong ilayo sa iresponsable niyang asawang si Joel. Ngunit iginupo ng pagbabanat ng buto ni Lisa ang kanyang kalusugan. Nalaman niyang mayroon siyang stage-3 breast cancer. Dahil dito, naging mainitin ang kanyang ulo. At nang minsan mapagalitan niya ang bunsong anak na lalaki na si Makmak, naglayas ito ng bahay.

Lingid sa kaalaman ni Lisa ay napasakamay na si Makmak ng isang walang kaluluwang kriminal.

Isang lalaki ang nagpakilala kay Makmak bilang “MJ” at mabilis nitong nakuha ang loob ni Makmak.

Sinamahan siya nitong maglibot sa isang park hanggang sa dalhin na nito si Makmak sa isang tagong lugar at sa kauna-unahang pagkakataon, ay pagsamantalahan nito si Makmak. Gusto mang tumakas ni Makmak, pero hindi pa doon matatapos ang pang-aabuso sa kanya ni MJ.

Hindi naman tumigil si Lisa sa paghahanap sa bunsong anak. Iba’t-ibang paaralan, mga istasyon ng radio at TV at pati mga liblib na lugar tulad ng kabundukan at sapa ang ginalugad niya kasama ang ibang anak para hanapin si Makmak. Ngunit si Makmak, tangay na ni MJ kasama ang isa pang batang lalaki na nagpakilala namang pamangkin ni MJ, at dinala na ng mga ito si Makmak sa isang malayong probinsya.

Ano ang mga pagdadaanang hirap ni Makmak sa mga mapang-abusong kamay ni MJ? Muli pa nga bang makakapiling ni Lisa ang bunsong anak?

Sa pangunguna sa pagganap nina Ms. Sunshine Di­zon, Gab­by Eigenmann at Miggs Cuaderno, mag­­­si­sil­bing babala ang episode ngayong Sabado para sa mga magulang at mga anak na isantabi ang mga ‘di pagkakaunawaan bago pa malagay sa peligro ang buhay ng bawat isa.

Makakasama rin nila sina Leandro Baldemor, Julia Joan Chua at Jhiz Deocareza.

Mula sa direksyon ni Conradu Peru, huwag palampasin ang Magpakailanman mamayang gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with