^

PSN Showbiz

Kean ipinagdaramot pa rin ang anak nila ni Chynna

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Naglabas ng statement si Sen. Tito Sotto kaugnay sa pag-apir niya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kamakalawa lang para sagutin ang isyung “victim blaming” na inireklamo laban sa kanya ng netizens.

Hindi talaga kasama sa inimbitahan ng MTRCB pero sumama si Sen. Tito Sotto para personal siyang magpaliwanag at maipagtanggol ang sarili. Pinanood daw nila ang buong episode, at tingin nila naayos naman ang isyu at na-convince sila sa kanyang paliwanag.

Bahagi ng statement na ipinadala sa amin ng senador, “Sa tingin ko, convinced sila na ‘yun mga sumulat ng reaction were relying on comments of those who did not even know the context of the issue.

“I explained to them that my comment was simply saying that a married woman drinking with other men at night will be ‘mapapagbintangan ng asawa’.

“So what are they saying? That I am not allowed to practice the freedom of speech. I have no right to an opinion? I was merely after the protection of the institution of marriage.”

PAK: Hindi man deretsahang inamin ng baguhang actor na si Ken Alfonso, pero open siya sa posibleng pakikipag­relasyon sa isang bading.

Nasagot niya ito sa presscon ng pelikulang That Thing Called Tanga Na ng Regal Films na showing na sa August 10.

Itinanggi kasi ni Ken ang kumakalat na isyung nakapagbakasyon daw siya sa Amerika at sa Maldives dahil sponsored ito ng mayamang bading na kanyang dyowa. Saad ng aktor, nakakapag-ipon daw siya dahil sa business niyang food delivery sa mga restaurant. Pero sabi niya, kung sakaling mabigyan ng pagkakataong tulungan siya ng isang mayamang bading pero relasyon ang kapalit, hindi niya deret­sahang sinagot na posible pero parang ganun na rin.

Ani Ken, “Sa totoo lang, tao lang naman tayo ‘di ba? Kaya nga nagsusumikap para makuha mo ang mga materyal na bagay na gusto mo.

“Tao lang naman tayo ‘di ba? Kaya nga sinasabi ko naman na itong mga taong ito ay tumutulong naman sa career mo at gina-guide ka nila para maging successful ka sa career mo.”

BOOM: Isa si Kean Cipriano na gumaganap na bidang bading sa pelikulang That Thing Called Tanga Na, pero nang humarap ito sa presscon kamakalawa lang, iniiwasan pa rin niyang sagutin ang mga personal na isyu kagaya ng panganganak ni Chynna Ortaleza at ang pagiging Daddy niya.

Sabi lang ng singer/actor, “Details about pregnancy, ang kid, ang family and all that, we really want to keep it private.

“Sabi ko nga mahirap maging private sa public arena pero we keep all details to ourselves.

“Hindi naman kami ‘yung tipong lantaran na okay we show to the whole world eve­rything involving our family. Pero you see us around, we go to malls, to the church, to the grocery. It’s just that we’re doing our best to keep our privacy for the baby and the whole family as well.”

Pero proud naman daw sila sa pagiging magulang ng baby nila ni Chynna at hands on daw sila sa pag-aalaga sa kanilang baby, at malaki raw ang nabago sa kanya bilang tao.

“May nabago internally, na you see life in the different perspective now,” saad pa ni Kean.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with