^

PSN Showbiz

Mag-amang Piolo at Iñigo ginagawan ng malisya! Anino ni LJ biglang pinag-iinteresan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ideal ang father-and-son relationship nina Piolo Pascual at Iñigo Pascual kaya hindi dapat binibigyan ng malisya ang litrato na inilabas nila. Hindi kasalanan na na-miss ng mag-ama ang isa’t isa dahil matagal na nawala sa Pilipinas si Piolo.

SCENE: Ang mahigpit na denial ni Martin Escudero na siya ang tampok sa video scandal na kumalat. Itinanggi ni Martin sa presscon ng That Thing Called Tanga Na na siya ang lalaki sa video scandal na kamukhang-kamukha niya.

SEEN: Wala sa lugar ang mga sagot ni Angeline Quinto dahil idinaan nito sa biro ang mga sagot niya sa mga seryosong tanong sa kanya sa presscon ng That Thing Called Tanga Na pero hindi nagtagumpay ang singer na gawing tanga ang entertainment press.

SCENE: Lumitaw ang pagiging mestizo ni Eric Quizon sa presscon ng That Thing Called Tanga Na dahil hindi nawala ang pamumula ng kanyang mukha sa question-and-answer forum.

SEEN: Ang balita na magkakaroon ng cameo appearance si PNP Chief Superintendent Ronald “Bato” dela Rosa sa Ang Probinsyano matapos ang pakikipagkita sa kanya ni Coco Martin sa Camp Crame noong Huwebes.

SCENE: Naunahan ng Ang Probinsyano ang Encantadia dahil puwede rin na bigyan ng cameo role si Bato dela Rosa sa telefantasya ng GMA-7. Perfect si Bato sa role na ibinigay ng GMA-7 kay Conan Stevens, ang The Mountain sa Season 1 ng Game of Thrones.

SEEN: Kahit limitado ang mga sinehan na pinagtatanghalan, magaganda ang reviews sa Anino Sa Likod ng Buwan kaya marami ang naengganyo na panoorin ang pelikula na nagbigay kay LJ Reyes ng karangalan, ang pinakamahusay na aktres ng 2015 ng Gawad Urian.

SCENE: Ngayon ang grand finals night ng Philippine Popular Musical Festival o PhilPop 2016 sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with