^

PSN Showbiz

Aprub na lang ni Pres. Digong ang hinihintay Miss Universe 2016 sa bansa gaganapin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang tsansa na idaos sa Pilipinas ang Miss Universe 2016 at ayon ito kay Tourism Undersecretary Kat de Castro.

Hinihintay na lang ng Department of Tourism ang approval ni President Rod­rigo Duterte para matupad ang pangarap ng mga beauty pageant fans na ganapin sa Pilipinas ang Miss Universe 2016.

Sinabi ni Kat na kapag pumayag si Papa Rody, magaganap sa January 29, 2017 ang Miss Universe 2016.

Matagal nang isinusulong ng mga mahihilig sa beauty contest na maging host country ng Miss Universe 2016 ang Pilipinas dahil isang Pilipina, si Pia Wurtzbach ang reigning Miss Universe.

Twenty-two years ago na ang nakalilipas mula nang idaos sa Maynila ang Miss Universe noong 1994. Tatlong venue ang ginamit para sa Miss Universe 1994, ang Manila Hotel, Araneta Coliseum at ang PICC Plenary Hall.

Si Miss India Sushmita Sen ang nag-win ng Miss Universe crown noong 1994 at siya ang itinuturing na pinakamatalino na Miss Universe winner dahil sa kanyang intelligent answer sa question and answer portion.

Nang matapos ang kanyang reign bilang Miss Universe, bumalik sa Pilipinas si Sushmita pero tahimik ang pagbisita niya. Nakilala lamang siya ng mga Pinoy na nakakita sa kanya sa isang casino at hindi naman nag-deny si Su­shmita.

Yasmien binantayan ang eroplanong minamaneho ng asawa

Walang taping kahapon si Yasmien Kurdi para sa Sa Piling Ni Nanay kaya nasa bahay lamang siya.

Piloto ang asawa ni Yasmien na si Rey at kaha­pon ang unang araw ng SLF o Solo Loading Freight niya.

Dahil libre siya kahapon, nagawa pa ni Yasmien na kunan ng litrato ang commercial plane na pinalilipad ng asawa niya na dumaan sa tapat ng condominium building na tinitirhan nila na malapit sa Ninoy Aquino International Airport.

Proud na proud si Yasmien kay Rey dahil responsible, lo­ving husband and father ito sa kanya at sa kanilang anak na si Ayesha.

Kahit malayong lugar ang tapings ng Sa Piling Ni Nanay, may oras si Yasmien para ihatid, sunduin sa trabaho at ipaghanda ng breakfast ang asawa niya. Wala nang mahihiling pa si Yasmien dahil maayos na maayos ang pagsasama nila ni Rey at maganda ang takbo ng kanyang acting career.

Gladys ipinagmalaki ng anak sa mga kaklase

Responsible parents din sina Gladys Reyes at Christopher Roxas sa kanilang tatlong anak.

Busy mother and career woman si Gladys pero may panahon siya para sa kanyang pamilya.

Katulad kahapon, dumaan si Gladys sa school ng kanyang anak na si Aquisha dahil naglambing ang bagets.

Tuwang-tuwa si Gladys nang ipakilala siya ni Aquisha sa mga classmate nito at narinig niya ang sinabi ng bagets na “She’s an actress.”

Naramdaman ni Gladys na ipinagmamalaki siya ni Aquisha dahil walang tigil ang paghalik at pagyakap sa kanya ng anak habang nasa school cafeteria sila at nakamasid ang mga kaklase ng bagets.

Rhian, Rafael, at Kiko kasado na sa Sinungaling…

Pormal nang ipakikilala ngayon ng GMA 7 ang cast ng television remake ng Sinungaling Mong Puso.

Mga bida sa remake ng pelikula na pinagbidahan noon nina Vilma Santos, Gabby Concepcion at Aga Muhlach sina Rhian Ramos, Rafael Rosell at Kiko Estrada.

Tungkol sa isang babae na na-in love sa mhin na mas bata sa kanya ang kuwento ng Sinungaling Mong Puso. Si Rhian ang gaganap sa role ni Vilma Santos na ginampanan nito sa movie version at si Kiko Estrada ang younger guy na makakatsugihan niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with