^

PSN Showbiz

Aktres na pa-shades-shades pa at feeling intelligent inisnab-isnab sa airport

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Feeling intelligent ang aktres na na-sight sa isang airport habang waiting siya ng flight na Manila bound.

Pabiba ang aktres dahil may suot siya na black shades at kiyeme-kiyemeng nagbabasa ng libro sa isang sulok ng airport.

Ang nakakaloka, dedma sa kanya ang ibang mga pasahero dahil hindi raw nila kilala ang aktres kaya walang reason para gumamit pa ito ng dark shades.

Matagal nang walang teleserye ang aktres dahil hindi na ni-renew ng mother studio ang kanyang kontrata. May image na pabiba at pa-intellectual ang aktres na madalas na loveless dahil iniiwanan ng mga ex-dyowa na hindi ma-take ang kanyang mga drama sa buhay.

May bagong nagpapatibok ng puso? Kris sariwang-sariwa ang hitsura

Hindi ako magugulat kung mataas ang rating kahapon ng Yan Ang Morning dahil sa mga nag-abang sa guesting ni Kris Aquino.

Sa rami ng mga kuwento ni Kris, nagmistulang naging co-host siya ni Marian Rivera at obvious na talagang na-miss niya na umapir sa mga talk show.

Halos dalawang buwan na nagbakasyon si Kris sa Amerika kaya nakapagpahinga siya nang husto. May mga nagkomento nga na blooming siya as in parang may nagbago sa mukha niya.

May mga nagduda na baka may ipinaayos si Kris sa mukha nito habang nasa Amerika siya. Nakalimutan yata ng fans na puwedeng mabago ng mahusay na make up artist ang hitsura ng mga babae. Sa kaso ni Kris, nakatulong sa kanya ang matagal na pagbabakasyon sa ibang bansa kaya sariwang-sariwa ang aura niya.

Alfred out na sa ToFarm 

Wala nang pelikula na kasali sa ToFarm Film Festival si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas dahil nagkaroon ng conflict sa schedule niya.

Dumalo pa naman noon si Alfred sa presscon ng ToFarm Festival dahil excited siya na simulan ang project. Ang kaso, nataon sa kampanya para sa May 9 elections ang shooting ng pelikula.

Kahit walang kalaban sa District V, nag-beg off si Alfred na gawin ang pelikula dahil tumulong siya sa kandidatura ng mga kanyang mga kapartido sa Liberal Party, sina Mar Roxas at Leni Robredo na kasamahan niya sa Kongreso.

Hindi man nanalo si Papa Mar, happy na rin si Alfred dahil si Mama Leni ang idineklara ng COMELEC na panalo sa vice presidential race noong May 9, 2016.

Magkasabay sa magkahiwalay na lugar ang oath-taking nina Mama Leni at Alfred noong Huwebes.

Sen. Bongbong at Sen. Allan Peter nag-isnaban sa Malacañang 

Awkward ang sitwasyon sa oath-taking ni President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace noong Huwebes dahil invited si Senator Bongbong Marcos at ang kapatid nito, si Ilocos Norte Governor Imee Marcos pero missing in action si Mama Leni.

Hindi kalayuan sa kinauupuan ni Papa Bong ang puwesto ni SenatorAllan Peter Cayetano, ang running mate ni Papa Rody pero hindi sinuwerte na manalo. Fresh na fresh pa sa isip ng madlang-bayan ang mga atake ni Papa Allan kay Papa Bongbong noong kainitan ng kampanya dahil magkalaban sila sa vice presidential race. Wala talagang ipingkaiba ang mundo ng pulitika sa showbiz world.

Snooky nadagdagan ang trabaho nang magpatawa

Sina Snooky Serna at Luz Valdez ang mga starring sa Mother Knows Beast, ang episode bukas ng Dear Uge, ang weekly comedy anthology ni Eugene Domingo sa GMA 7.

Over protective na nanay sa kanyang anak ang role ni Snooky sa Mother Knows Beast at si Luz ang gumaganap bilang nanay niya.

Nadagdagan ang mga television guesting ni Snooky sa Kapuso Network mula nang ma-discover sa Poor Señorita ang talent niya sa pagpapatawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with