^

PSN Showbiz

DZMM 30 taon na ang pagbabalita at serbisyo sa publiko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa loob ng tatlumpung taon naging bantayog ng pagbabalita at pagbibigay ng serbisyo publiko ang DZMM mula nang matapos ang Martial Law era hanggang sa pagtapak nito sa digital era.

Sa nalalapit na ika-30 taong anibersaryo ng AM radio station ng nangungunang media and enter­tainment organization sa bansa, isang en­grandeng selebrasyon ang magaganap, si­mula sa paglunsad ng bagong station ID na nag­pa­pakita sa mga kinapipitagang anchors at reporters ng DZMM habang inaalala ang mga ma­lalaking coverage ng istasyon.

Ang Kapamilya hunk na si Piolo Pascual ang kumanta ng bagong tema ng DZMM na unang makikita ng publiko ngayong Biyernes pagkatapos ng broadcast ng TV Patrol sa ABS-CBN. Personal ang paglahok para sa aktor, lalo na at siya man ay nais pamanahan ang kanyang anak ng isang maayos na bansa na may malayang pamamahayag.
Ang istasyon na kinikilala bilang lider sa pagbabalita at serbisyo publiko ay may mga nakalaang programa na dapat namang pakatutukan ng mga makikinig. Isa rito ang special feature na Kwento ng Tatlong Dekada na eere simula Hulyo 22 sa iba’t ibang programa ng DZMM, kung saan babalikan kasama ang mga guest na anchor at dating reporter ng istasyon ang mga malalaking isyu, iskandalo, trahedya, at mga tagumpay sa kasaysayan ng Pilipinas.

Magkakaroon din ang DZMM ng tatlong kaganapan para sa serbis­yo publiko. Ang ikatlong Red Alert Emergency Expo sa Tanay, Rizal, ay magbibigay ng emergency training sa halos 200 na estudyante at kanilang mga guro mula sa iba’t ibang unibersidad sa Metro Manila, ang taunang donasyon para sa dugo na Dugong Alay Para sa Kapamilya, sa Fisher Mall, Quezon City sa Hulyo 23, at ang DZMM Grand Kapamilya Day sa Hulyo 21 sa San Andres Sports Complex, Manila kung saan magkakaroon ng medical mission para sa mga libu-libong dadalo at storytelling para sa kabataan hatid ng DZMM TLC (Teaching Learning Caring) trucks ng DZMM kasama ang mga anchors.

Sa nakaraang tatlong dekada, ang DZMM ay nanatiling tapat sa pagbabalita at pinipilit na makatulong sa ikauunlad ng bansa. 

Nanguna rin ang DZMM sa teknolohiya sa radyo sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon nito ng digital na aspeto. Mula sa AM band, ang TeleRadyo ay inilunsad sa cable TV, na kauna-unahang simulcast ng radyo at telebisyon para sa isang AM radio, at di kinalaunan, nagkaroon din ng audio livestreaming sa dzmm.com.ph. Mas marami na rin ang nakakanood sa digital lalo na sa pamamagitan ng ABS-CBNTVplus.

Sumali na sa pagdiriwang ng DZMM sa kanilang ika-30 taong anibersaryo ng pagbabalita at serbisyo publiko, Pamana ng Tatlong Dekada simula Hulyo 1 sa paglunsad ng kanilang bagong station ID pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with