^

PSN Showbiz

Sumpa ‘di napanindigan aktor na nagipit, sa beki kumapit!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ipinangako nu’n ng isang male personality na anuman ang mangyari ay hinding-hindi siya tutulad sa kanyang mga kasamahang artistang lalaki na nagbebenta nang panandaliang aliw.

Marami nang nang-eengganyo sa kanya na gawin ang ganu’n, sandaling panahon lang ang kailangan niyang ipuhunan, pagkatapos ay malaking halaga na agad ang maite-take home niya.

?Matindi ang paninindigan ng male personality, kikitain niya raw naman sa legal na pagtatrabaho ang halagang sinasabi ng kanyang mga kasamahan, kumakain pa raw naman ang kanyang pamilya na siya ang tanging inaasahan.

?Pero mukhang sinubok siya ng panahon. Dumating sa kanya ang isang matinding problema, kailangan niya nang malaking halagang magagamit sa pagsasalba sa buhay ng isa niyang mahal sa buhay, meron siyang tinawagan.

?Inilatag ng lalaking personalidad ang kanyang problema, hindi siya puwedeng magpabaya, kailangan niyang kumita nang malaki para sa matinding problemang pinagdadaanan niya.

?Sabi ng male personality sa kanyang kausap na kilalang aktor din, “’Yung sinasabi mo nu’n, puwede na kaya ngayon? Wala na kasi akong choice, e.”

?Ang sabi ng nasa kabilang linya, “May tatawagan lang ako, wait ka lang, ha? Ito ‘yung yuppy na matagal ka nang itinatanong, tatawagan agad kita.”

?Wala pang limang minuto ay tumawag na agad ang aktor na sanay na sanay na sa ganu’ng trabaho, sasamahan daw siya nito sa condo unit ng be­king yuppy, siya na raw ang bahalang mag-abot ng komisyon sa kaibigan niya.

?“Natuloy ang deal, nabinyagan ng beki ang male personality, malaki ang kinita niya sa sasandaling oras lang. Sabi nga, ang lalaking gipit, sa beki kumakapit,” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Co-terminus nga kaya, mga endorsement ni Kris magliliparan na ba? 

Isang tulog na lang at manunumpa na ang bagong halal na pangulo ng ating bayan. Bilang na bilang na ang oras ni P-Noy, si President-elect Rodrigo Duterte na ang bagong ookupa sa pinakamataas na upuan sa ating pamahalaan, kaya ang tanong ng bayan ay paano na si Kris Aquino?

?Sa biglang tingin ay parang malayo ang tanong. Usaping-pulitika ito pero bakit si Kris ang pinupuntirya ng ating mga kababayan? Bakit siya ang paboritong gawing pulutan nga­yon sa social media?

?Kakikitaan ng katwiran ang mga dahilan ng mga pumupuna. Dagdag sa pesonalidad ni Kris ang pagiging anak nu’n ng dating pangulo at nakababatang kapatid naman ng pababa nang presidente ng ating bayan.

?Malaking impluwensiya ang kapangyarihan sa kanyang career, para ‘yun sa bentahe ni Kris bilang aktres-TV host, nabibiyayaan siya sa pagiging anak at kapatid ng pangulo.

?Ayon sa isang kababayan nating tinilad-tilad ang pagkaartista ni Kris, “Yes, she has the talent to talk, she can also act, but she can’t deny the fact that more opportunities came her way for being an Aquino.”

?Sa mga TVC na lang daw ay napakalaki na ng bentahe ni Kris kumpara sa kanyang mga kapwa artista. Natural, sabi ng mga pumupuna, dahil kapatid siya ng pangulo ay siya na ang kukuning endorser ng mga produkto.

?Kung bakit naman kasi sa panahon ng kanyang kapatid ay nagkatusak ang mga TVC na ginawa ni Krissy. Lahat ng produktong ibinebenta sa merkado ay siya ang tagapag-endorso. Kulang na lang na pati gamot sa kuto at kontra-bulate ay siya na rin ang mag-endorso sa ating mga kababayan.

?Ang tanong, co-terminus ba ng pagbaba sa panguluhan ni P-Noy ang karera ni Kris, ngayong iba na ang uupo sa Palasyo ay magliparan na rin kaya palayo kay Kris Aquino ang magagandang oportunidad na pinakinabangan niya nang husto habang nasa puwesto pa ang kanyang kuya?

?Abangan!!!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with