^

PSN Showbiz

Gustong sulitin ang binabayad aktres na sikat ayaw makitang nagpapahinga ang mga kasambahay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo ang kuwentong malaking magpasuweldo sa kanyang mga kasambahay ang isang popular na female personality. ‘Yun ang klase ng suweldong pinapangarap ng bawat kasambahay.

?Hindi gugustuhing umalis sa poder ng babaeng personalidad ang kahit sinong tumatanggap ng ganu’ng kalaking suweldo buwan-buwan. Libre ang lahat, bastante sila sa pagkain dahil mahilig magluto ang aktres, ano pa nga ba naman ang hahanapin mo bilang kasambahay kapag ganu’n ang sitwasyon?

?Pero bakit nga ba meron pa ring mga kasambahay na umaalis sa poder ng female personality? Bakit ipinagpapalit ng mga ito ang malaking suweldong ibinibigay niya?

?Kuwento ng isang source, “May mga umaalis sa kanya dahil oo nga’t malaki ang kanilang suweldo, e, mabusisi naman palang masyado ang girl!

?“Parang ayaw niyang nakikitang namamahinga ang mga kasambahay niya, kung anu-ano ang ipinagagawa niya, kailangang sulitin niya ang malaking suweldong ibinibigay niya.

?“Kunwari, tapos nang maglaba ang kasambahay niya, hindi puwede sa kanya ‘yung hanggang du’n lang ang gagawin ng labandera niya! Kailangan niyang tumulong sa iba pang trabaho, hindi siya puwedeng magpahinga porke tapos na siyang maglaba!” tawa nang tawang kuwento ng impormante.

?Sobrang dami ang kagamitan ng female personality, nakatambak lahat ‘yun sa isang malaking kuwarto ng kanyang bahay, du’n madalas na nag-iipun-ipon ang mga kasambahay niya.

?“Ipinatitiklop niya isa-isa ang mga damit niya. Pagkatiklop, ipinaha-hanger niya naman kapag trip niya. Kung nakapagsasalita lang ang mga kagamitan niya, e, siguradong magrereklamo dahil hilung-hilo na sila!

?“Ganu’n siya katindi, para lang may magawa ang mga kasambahay niya, e, kung anu-ano na lang ang naiisipan niya. Kaya mataas man ang ibinibigay niyang suweldo, e, nag-aalisan din ang mga kasambahay niya.

?“Magulo ang utak niya, pabagu-bago. Parang lovelife din niya. Magulo, walang kawawaan,” napapailing na kuwento pa ng isang source.

?Ubos!

Claudine santambak kung mag-grocery, Gretchen puro damo ang kinakain

Tawa nang tawa ang mga mommy na nakakuwentuhan namin isang araw. Si Claudine Barretto ang kanilang paksa, nakakasabay raw kasi nilang mag-grocery ang aktres kasama ang kanyang mga anak, alam na raw nila ang dahilan kung bakit hindi pumapayat ang magandang aktres.

?Grabe raw mag-grocery si Claudine, ilang carts kung mamili siya dahil sa dami, puro pagkain daw ang binibili ni Claudine.

“Paano siya papayat, e, sangkatutak siya kung mag-grocery? Puro pagkain ang laman ng mga carts niya, para siyang hoarder!

“Parang palaging magkakaroon ng revolution kung mag-grocery siya,” tawa nang tawang kuwento ng isang mommy.

?Ha! Ha! Ha! Ha!

Tabain pa naman ang aktres, mabilis siyang mag­dagdag ng timbang, ang unang-unang naaapektuhan sa kanya ay ang kanyang mukha at balakang.

?Mahilig din kasing magluto si Claudine kaya puro pagkain ang pinamimili niya, ayaw niyang magluto kapag hindi kumpleto ang rekado, tinatamad siya.

Nakuha nina Marjorie at Claudine ang hilig sa pagluluto kay Mommy Inday. Masarap magluto ang kanilang ina, umaga pa lang ay nakahanda na ang mga lulutuin nito, nakuha ‘yun ng magkapatid.

?Hindi nagluluto si Gretchen, marami itong kasambahay, saka hindi naman palakain ang aktres dahil binabantayan nito ang kanyang timbang.

?Sabi ng isang nakakuwentuhan namin, “Naku, may dietician si Gretchen! Sukat na sukat ang calories ng mga kinakain niya. Para siyang kambing, puro damo lang ang kinakain niya para hindi siya tumaba!”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with