^

PSN Showbiz

Bimby mas malaki pa raw ang TF kesa kay Maine?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Pinag-iisipan pa rin kung paano mahihigitan ni Kris Aquino ang ginagawa niyang pag-iingay para pag-usapan ang kanyang pagbabalik at ma-feel ang kanyang pre­sence. Darating pa lamang ito, pero meron na agad controversies na baka lumipat siya ng istasyon. Naka-sked kasi siyang mag-guest sa morning talk show ni Ma­rian Rivera at wala pa siya ay gumagawa na ito ng sari-saring ispekulasyon.

Maski na sa lumalaking demand sa serbisyo ni Maine Mendoza bilang pro­duct endorser, mukha namang hindi nate-threaten ang hindi pa nakakapirma ng renewal ng kanyang contract sa Kapamilya Network. Dumami man ang endorsement ni Yaya Dub kaysa sa kanya baka hindi nito mapantayan ang laki ng TF niya. Baka nga mas malaki pa ang TF ng bunso nito kaysa sa phenomenal discovery ng Eat Bulaga. Hindi papayagan ng ABS-CBN na maagaw ang comebacking TV host ng kalabang istasyon.

Magkakapatid na Tulfo iiwan ang TV5?

Malaking kabawasan sa TV5 kung sakali mang iwan sila ng magkakapatid na Tulfo, Raffy, Ben, Erwin at maski na si Ramon at samahan si Martin Andanar sa PTV4 at Radyo ng Bayan. Bukod sa bagong halal na Pangulong Rodrigo Duterte, malapit ang magkakapatid sa bagong mamamahala ng government station.  Malaki ang maitutulong nila rito.

Bettina Carlos mabilis natanggap ang pambababae ng ex

Katulad ni Sunshine Dizon, mabilis ding natanggap ni Bettina Carlos ang ka­walan ng loyalty sa kanya ng dating ka­relasyon. Matsiks din pala ito at ayaw niyang maging malungkot ang buhay niya sa piling nito. Tanggap na niya na isang pag-iilusyon lamang ang pagiging maligaya niya sa piling nito. Maski ang pangako nitong aa­yusin ang hiwalayan nila ng asawa ay hindi rin nangyari.

Megan hindi pa rin maamin si Mikael

Kahit obvious na ang relasyon nila ni Mikael Daez ay gusto pa rin itong itago ng dating Miss World Megan Young. Mas gusto niyang gawing pri­ba­do ang relasyon nila sa publiko. Sa kabila ng kaabalahan nila ay hindi sila nawawalan ng bonding time.

Kagagaling lang nila sa bansang Japan. Bago ito ay magkasama rin sila sa Singapore at Thailand. Lahat ng travel nila ay may kinalaman sa kanilang trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with