^

PSN Showbiz

Solenn hindi nagpaliwanag sa nakitang ‘drugs’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Deleted na ang picture ni Ervic Vijandre at ibang cast ng A1 Ko Sayo na pinost ni Solenn Heussaff sa Instagram (IG). Controversial ang picture dahil nasilipan si Ervic at nakita raw ang hindi dapat makita. Hindi pa yata alam ni Ervic na may kakaiba siyang scandal.

Controversial rin ang picture dahil inakalang drugs ang nakalagay sa bote ng iniinom ni Solenn na juice na pang detox. Hindi na nakipag-away sa bashers at inalis na lang ni Solenn ang picture.

‘Kaloka ha, si Solenn pa ang pag-iisipang nagda-drugs.

Anyway, pinuri si Solenn ng dating fight cho­reo­grapher ng Encantadia dahil magaling sa stunts at mabilis matuto. Malaking tulong kay Solenn na sporty siya at may daily workout, kaya sanay ang katawan niyang kumilos.

Mulawin bubuhayin din ng GMA

Tama ba ang naririnig namin na ire-remake rin ng GMA 7 ang Mulawin? Next year daw ito gagawin kaya ngayon pa lang ay may mga naririnig na kaming mga Kapuso actor na gustong gampanan ang role ni Aguiluz na unang ginampanan ni Richard Gutierrez.

Una naming narinig si Miguel Tanfelix na nagsa­bing gustong mag-audition ‘pag ire-remake ang Mulawin. Si Miguel ang gumanap na young Aguiluz, kaya espesyal sa kanya ang fantaserye.

Nabanggit din ni Derrick Monasterio nang makausap namin sa taping ng Hanggang Makita Kang Muli na for his project, sana i-remake ng Kapuso Network ang Mulawin at mag-o-audition siya.

Tapos nabasa namin ang tweet ni director Don Mi­chael Perez, director ng Once Again na kasama siya sa magla-lobby ng follow-up project nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez na nagustuhan ng viewers ang tambalan sa primetime drama series dahil deser­ving sila ng follow-up project. “Maybe in a MULAWIN remake” ang tweet ni direk Don.

Natatandaan n’yo ba na pati si Angel Locsin ay nag-post ng throwback photo ng Mulawin?

Aljur nakakaarte na raw

Dumarami ang nagri-request sa GMA 7 na i-ex­tend ang Once Again pero wala pang balita sa pla­no ng network kung dadagdagan ang 12 weeks na original airing plan ng drama series.

Hindi lang teenagers at bata ang sumusubaybay sa Once Again, pati may mga edad ay gustung-gusto ito at ang lahat ng cast na gumaganap particular na sina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez.

Nabanggit ni director Don Michael Perez na ang confrontation scene nina Jean Garcia, Sheryl Cruz at Janine na fifteen minutes lang napanood ay whole morning nagbasa ng script ang tatlo at nagprakris ng blocking. One take lang daw ang eksena at tuluy-tuloy ang taping.

Pati ang inookray ng bashers na kulang pa raw ang acting ni Aljur ay pinuri ng director. Sa ekse­na ngang sinuntok ng aktor ang salamin, hindi ito pu­ma­yag ng double at siya mismo ang gumawa ng eksena. Namaga ang kamay nito at muntik masugatan at ang kapalit noon ay magandang eksena.

Joem at Juday nag-reunion

Malaking bagay kay Joem Bascon na muling makatrabaho si Judy Ann Santos sa 2016 Cine­malaya entry na Kusina dahil ang aktres ang una niyang nakasama sa first TV appearance niya. Sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya niya nakasama si Judy Ann na gumanap na kanyang kapatid.

Si Judy Ann din ang kapareha niya sa first lead role niya sa TV at ito’y sa Hanggang May Buhay ng ABS-CBN ka-triangle si Derek Ramsay. Kaya tuwang-tuwa si Joem nang kunin siya ng mga produ­cer para isama sa Kusina bilang husband ni Judy Ann at ipagpapalit kay Luis Alandy.

Sabi ni Joem, walang kontrabida sa Kusina, lahat sila ay bida dahil ensemble cast ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with