^

PSN Showbiz

Sam hindi pa rin nakakahanap ng kapalit ni Jasmine

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang nobyo ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff ang naging daan para magkakilala sina Jasmine Curtis-Smith at non-showbiz boyfriend nito ngayong si Jeff Ortega. Magkaibigan sina Erwan at Jeff na kakilala at kaibigan rin siyempre ng nakatatandang kapatid ni Jasmine.

Kung hindi in good terms noon si Anne sa ex-boyfriend ni Jasmine na si Sam Concepcion, sobra namang close si Anne sa nobyo ngayon ng kanyang na­­ka­­babatang kapatid.

Samantala, mukhang tahimik naman ang kampo ni Sam na wala pang ibang babaeng napupusuan after his split-up with Jasmine.

Coco walang planong patinag sa mga engkanto

Siyam na buwan nang tumatakbo ang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ng Kapamilya Primetime King na si Coco Martin at mukhang matagal pa ang itatakbo nito kung pagbabasehan ang istorya, bagong cha­rac­ters at mga major star na pumapasok as special guests. 

Nanatiling nasa No. 1 position sa ra­tings ng TV series ni Coco na sa pagka­kaalam namin ay siyang tatapatan ng TV remake ng Encantadia ng GMA.

Pero sa halip na magpatinag ang FPJ’s Ang Probinsyano sa kalaban nitong programa ay lalo lamang nila pi­nagbubuti ang takbo ng istorya.

Ticket pa-Tacloban biglang nagmahal

Narinig namin sa radio program ni Ted Failon sa DZMM noong isang araw na sobrang mahal umano nga­yon ang plane tickets papuntang Tacloban City at pabalik dahil sa fiesta celebration ng siyudad na madalas dinarayo ng mga local tourist at mga balikbayan. Mas mura pa umano ang tickets papuntang Hong Kong at Singapore kumpara sa tickets papuntang Tac­loban City.

Ang nalalapit na fiesta ng Mahal na Sto. Niño sa Tacloban city ay magsisilbing huling fiesta ni Mayor Alfred Romualdez bilang alkalde na bababa na sa kanyang puwesto para i-turn over sa kanyang misis na si Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez, ang bagong halal na mayor ng siyudad ang posisyon. Nagpalit lamang ng puwesto ang mag-asawa, although balik naman sa kanyang pribadong buhay ang outgoing mayor.

Since bagito si Kring-Kring sa kanyang bagong posisyon bilang bagong alkalde ng Tacloban, nakaalalay at nakasuporta sa kanya ang kanyang mister.

Kung busy ngayon ang mag-asawa sa paghahanda para sa Kapistahan ng Mahal na Sto. Niño on June 30 kasabay na panunumpa sa office ng actress-politician, abala rin ang mag-asawang Rep. Lucy Torres-Gomez at mayor-elect ng Ormoc City na si Richard Gomez dahil bukod sa panunumpa ay fiesta rin sa Ormoc on June 30.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with