^

PSN Showbiz

Drew sinamahan ang mga batang tumatawid sa tirik na bundok

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pag-akyat. ’Di ito biro!  At ginagawa nila ito araw araw,” sabi ni AHA! host Drew Arellano sa pagbisita niya sa isang komunidad sa Bukidnon para alamin kung gaano kahirap abutin ang maayos na edukasyon para sa mga estudyanteng naka­tira sa mga liblib na lugar. 

Sa unang araw ng esku­wela, sinamahan ng soon-to-be-daddy host ang mga batang tumatawid sa delika­dong ilog ng Caga­yan de Oro gamit ang isang balsa at uma­­akyat ng matarik na bundok bago ma­karating sa kanilang pampublikong eskuwelahan sa CdeO.

Anu-ano ang mga pang-araw-araw na pakiki­pag­sapalaran at peligro na nakaabang sa mga bata? Paano kaya nagtutulungan ang kanilang mga magulang at komunidad para suportahan ang ma­sid­hing pagnanasa ng mga bata na makapag-aral? Ano kaya ang simpleng suporta na maibibigay ng AHA! para sa kanila?

Sa 6th anniversary special episode ng AHA!, samahan si Drew na alamin ang kahanga-hangang kuwento ng mga batang handang harapin ang kahit anong pagsubok makamit lang ang edukasyon na inaasam-asam na kung tutuusin naman ay karapatan ng lahat ng bata.

Mapapanood ‘yan sa AHA! 8:15 a.m. sa GMA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with