^

PSN Showbiz

Anak ni Vic tuloy na tuloy na ang kasal sa apo ni Diosdado Macapagal

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Wala nang urungan ang pagpapakasal ni Paulina Sotto sa kanyang fiancé na si Jed Llanes sa January 1, 2017.

The who si Paulina? Siya ang youngest daughter ni Vic Sotto at step daughter ni Pauleen Luna.

Si Paulina ang anak ni Bossing sa former actress na si Angela Luz. Magaganap ang pag-iisang dibdib nina Paulina at Jed sa simbahan ng isang bayan sa lalawigan ng Batangas.

Hindi magkasukob sa taon si Paulina at ang kanyang fadir dahil January 30, 2016 nang magpakasal sina Bossing at Pauleen. February 25, 2016 naman nang mangyari ang engagement nina Paulina at Jed na great-grandson ni President Diosdado Macapagal.

May report ang June 2016 edition ng YES! Magazine tungkol sa engagement at wedding plans nina Paulina at Jed.

Nagayuma, aktor naging pasaway sa trabaho sa pagkabaliw sa GF!

Worried ang mga tao sa paligid ng aktor dahil napapabayaan nito ang kanyang career dahil sa girlfriend niya.

Hibang na hibang ang aktor sa girl na kontrolado siya at malaki ang impluwensya sa mga desisyon niya sa kanyang personal life at career.

Nanghihinayang ang concerned people sa aktor dahil malaki ang potensyal nito na sumikat pero sa nangyayari ngayon, malamang na maging one of those na lamang siya.

Mula nang maging katsugihan ng aktor ang girl, naging pasaway na siya at hindi na pinakikinggan ang payo ng mga nagmamalasakit sa kanya.

Dokyu movie ni Daboy ipalalabas sa kanyang death anniversary

Gugunitain sa June 7 ang 8th death anniversary ni Rudy Fernandez kaya magkakaroon ng special screening ang The Last Pinoy Action King sa Metro Art Gallery, P. Guevarra St., San Juan City.

Ang The Last Pinoy Action King ang documentary movie tungkol sa buhay at career ni Daboy. Invitational ang 3 p.m. at 6 p.m. death anniversary screening ng pelikula na tribute kay Daboy.

Pelikula ni Jinggoy hitik sa moral values

Positive ang lahat ng reviews sa Tatay Kong Sexy, ang pelikula ni Senator Jinggoy Estrada na ipalalabas sa mga sinehan sa darating na Miyerkules, June 1.

Isa lang ang ibig sabihin ng positive reviews, maganda ang pelikula.

Sinabi ni Papa Jinggoy na ayaw nito na maluma at matagalan ang showing ng Tatay Kong Sexy na ginawa niya bago siya ikinulong.

Ang sabi naman ng mga dumalo sa press preview noong Biyernes, hindi mahahalata na two years-old na ang Tatay Kong Sexy dahil malinaw ang kopya at malinis na malinis ang cinematography. Puwedeng-puwede raw na isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 ang pelikula ni Papa Jinggoy dahil kapupulutan ito ng aral at hitik sa Filipino moral values.

Wala man si Papa Jinggoy sa press preview, sinuportahan ito ng kanyang co-stars na sina Bayani Agbayani at Dominic Roque.

Si Maja Salvador ang kapareha ni Papa Jinggoy sa pelikula. Hindi pa available si Maja sa promo ng Tatay Kong Sexy pero kung mapapanood niya ang project nila ni Papa Jinggoy, matutuwa siya at magmamalaki na bahagi siya ng pelikula.

Benjamin excited makita ang pamilya

Absent si Benjamin Alves sa taping ng A1 Ko Sa ‘Yo noong Huwebes dahil lumipad siya sa Guam para sa Kapuso show.

Lumaki si Benjamin sa Guam kaya excited siya na bumalik sa bansa na kinaroroonan ng pamilya niya. Blessing in disguise ang imbitasyon kay Benjamin na mag-perform sa Guam show ng GMA 7 dahil makakadalo siya sa isang family event nila.

vuukle comment

GMA NEWS TV

REEL TIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with