Kris at Sen. Trillanes huling nagdi-date sa Hawaii!, Bimby napabayaan sa kusina, Piolo lumabas ang tunay na edad sa Love Me Tomorrow
SEEN: Happily-married si Senator Antonio Trillanes IV kaya mali na nali-link siya kay Kris Aquino. Pinsan si Trillanes ni Bambbi Fuentes, ang former make-up artist ni Kris.
SCENE: Ginagawan ng isyu sina Kris Aquino at Senator Antonio Trillanes IV dahil sa tsismis na spotted sila sa Hawaii.
SEEN: Ang hindi maawat na pagtaba ni Bimby Yap dahil hiyang siya sa pagbabakasyon. Binatilyo na ang anak nina Kris Aquino at James Yap.
SCENE: Namumula ang mga mata at ngarag ang mga hitsura nina Dawn Zulueta at Piolo Pascual sa ilang mga eksena nila sa Love Me Tomorrow.
SEEN: Hindi naalagaan ni Gino Santos ang mga anggulo ni Piolo Pascual dahil may mga shot siya na nagpapakita sa tunay na edad ng lead actor ng Love Me Tomorrow.
SCENE: Sa Piling Ni Nanay ang working title ng afternoon soap nina Yasmien Kurdi, Katrina Halili at Mark Herras sa GMA 7. Sa June 27 ang target airing date ng Sa Piling Ni Nanay.
SEEN: Conan My Beautician ang pamagat ng another show ni Mark Herras sa GMA 7. Co-stars niya sa Conan My Beautician sina Betong Sumaya, Jerald Napoles at Boobsie Wonderland.
- Latest