^

PSN Showbiz

Aktres na bagsak-presyo ang TF naduwag sa promoter ng show

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sobrang tindi na nga kaya ng pangangailangan ng isang pamosong female personality para tanggapin na niya ang mga raket na napakaliit ng talent fee na ibinibigay sa kanya?

Maraming naaawa sa babaeng personalidad, parang mahigpit ang kanyang pangangailangan, parang okey lang kung malayo man sa estado niya bilang artista ang magiging kabayaran niya sa mga personal appearance na pinupuntahan niya.

Kuwento ng isang source, “Super-layo sa TF na dapat niyang tanggapin ang ibinigay sa kanya sa isang personal appearance sa isang malayong probinsiya, pero okey lang ‘yun sa kanya, dahil sa tindi ng pangangailangan niya.

“At ang nakakaloka pa, e, panay ang tawag niya sa show promoter, tanong siya nang tanong kung nakuha na raw ba ang TF niya? Ang liit na nga, e, ganu’n pa siya katinding mag-follow-up!” napapai­ling na reaksiyon ng aming source.

Heto na. Nu’ng mismong araw na ng tinanggap niyang kompromiso, gumawa ng eksena ang aktres, hindi raw siya agad makararating dahil may taping siya.

Nagalit ang kumuha sa kanya, pagkatapos niyang kunin ang talent fee niya, basta na lang siya hindi sisipot? Isa lang ang sinabi ng promoter, “Okey lang sa akin na hindi ka dumating, magagawan ko ng paraang maintindihan ako ng nag-invite sa iyo.

“Pero ito ang tandaan mo. Pagsisisihan mo ang araw na ipinanganak ka, dati ka nang sira sa pera, pero wawasakin kita mula sa anit mo hanggang sa pinakadulo ng mga daliri mo sa paa!”

Dumating ang female personality. Mas maaga pa nga kesa sa pinag-usapan nilang oras ng show promoter. Sabi ng aktres nu’ng magkita sila, “Ikaw naman, kuya, hindi ka na mabiro. Bumibiyahe na ako nu’ng sabihin kong nasa taping pa ako.”

Ubos!

Angelica nagmumukhang cheap sa mga hugot kay John Lloyd

Prangka si Angelica Panganiban. Kung ano ang nararamdaman niya ay sinasabi niya. Wala s­iyang pakialam kung hindi man magustuhan ng ibang tao ang ugali niya.

Basta ang kanyang katwiran ay nagpapakatotoo lang siya sa sarili niya at sa kanyang publiko. Hindi nga naman siya nagkakalatay sa mga komentong negatibo laban sa kanya, at kapag humarap na siya sa salamin ay nakangiti ang kanyang kunsensiya, dahil napakatotoo niya.

Pero hindi sa lahat ng panahon ay magiging katanggap-tanggap ang pagi­ging totoo ng aktres, kung titimbangin kasi ang mga paborable at komentong laban sa kanya ay mas nakahihigit ang hindi nakaiintindi kay Angelica, may mga tumatawag pa nga sa kanya ng KSP (read: kulang sa pansin).

Isa sa mga ibinibigay na dahilan ng kanyang mga bashers ay ang walang pakundangan niyang pagpapakawala ng mga hugot lines na pinaniniwalaan ng mas nakararami na emos­yon niya sa totoong buhay mula nang magkahiwalay sila ni John Lloyd Cruz.

“Kagandang babae, pero parang naghahabol sa lalaki,” komento pa ngang narinig namin patungkol kay Angelica. Kasi nga ay panay-panay ang pagbibitiw niya ng mga salitang patungkol sa kanyang ex.

“Kung ako ang lalaki, e, lalo ko siyang hindi babalikan. Nakakahiya ang mga ginagawa ni Angelica, hindi niya binibigyan ng kahihiyan ang guy. Porke ba wala na sila, e, ganu’n na lang?” sabi naman ng isang kausap namin.

Ganu’n talaga, kani-kanyang paniniwala, kani-kanyang opinyon. May nakatatanggap sa pagiging totoo ni Angelica Panganiban at meron din namang kumokontra sa sobrang pagiging prangka niya.

Mahirap timplahin ang emosyon ng publiko. Hindi simpleng pakibagayan ang kanilang panlasa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with