^

PSN Showbiz

Magdyowang Maxine at Marx pareho ang kapalaran

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Magdyowang Maxine at Marx pareho ang kapalaran

Double whammy sa taong ito ang magkasintahang Maxine Medina at Marx Topacio dahil pareho silang nanalo sa magkahiwalay na kumpetisyon na kanilang sinalihan.

Si Maxine ay nanalong 2016 Bb. Pilipinas-Unvierse habang si Marx naman ang nanalong Top Male Model sa Asia Model Festival 2016 na ginanap sa Suwon, Korea.

Umaasa ang marami na sana’y ma-duplicate ni Maxine ang panalo ng reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa Miss Universe competition sa darating na Disyembre kung saan si Maxine ang kinatawan ng Pilipinas.

Ibang Hapones mababa pa rin ang tingin sa mga Pinay

Nalulungkot ang anak kong si Aila Marie Amoyo Reyes na nag-aral ng Japanese language at kolehiyo (Business Management and International Studies) sa Japan dahil hanggang ngayon ay maraming Hapon pa rin ang mababa ang tingin sa mga Filipina sa Japan na lahat nagtatrabaho sa club.

Kamakailan lamang ay sumakay si Aila ng taxi sa Tokyo kung saan siya ngayon naka-base at nagta-trabaho (sa isang major company). Tinanong umano siya ng taxi diver kung siya’y Filipina at kung saang club ito namamasukan.

Although nainsulto, sa halip na magalit ay sinabihan umano niya ang taxi driver na kahit sa isang club nagtratrabaho ang isang Filipina, isa umano itong marangal na hanapbuhay para makatulong sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas at saka niya sinabi kung saan siya nagtatrabaho.

Napahiya raw ang taxi driver at humingi ng dispensa sa kanya.

vuukle comment

CHINA

EDCA

PANATAG SHOAL

RODRIGO DUTERTE

SCARBOROUGH

UNITED STATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with