^

PSN Showbiz

Pagkatapos magwaging best actress sa Cannes, Jaclyn tataas na ang TF?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Parang bading pa... Male model na pamangkin ng bagong senador, binida ang puwet sa sex video; Tom Taus saksi sa drogahan sa mga concert

PIK: Pagdating ni Jaclyn Jose kahapon ng hapon, dumeretso agad siya sa presscon ng bago niyang programa sa GMA 7, ang A1 Ko Sa ‘Yo na tatampukan din ng mga Kapuso babes.

Bagong sitcom ito na kung saan binigyan ng isang mahalagang role si Jaclyn.            

Pagkatapos niyang magwaging Best Actress sa katatapos na Cannes International Film Festival, back to normal na raw ang buhay niya at ganun pa rin naman daw ang takbo ng career niya.

Nagpapasalamat lang siya dahil hindi naman siya nawawalan ng programa at kasali pa nga siya sa The Millionaire’s Wife ng GMA 7. Kaya wala naman daw nabago, kundi baon lang niya ang masayang karanasan niya sa Cannes. Posibleng kayang tumaas ang talent fee ni Jaclyn dahil sa pagkapanalo niya sa Cannes? Ang PPL ni Perry Lansigan na ang bahala diyan!

PAK: Kalat na kalat ang sex video ng model at baguhang aktor na pamangkin ng bagong halal na senador.

Kuwento ng mga nakapanood nito, obvious na may ka-chat ito at doon niya ipinapakita ang pagpa­paligaya sa sarili. Bongga naman daw ang mo­de­long ito at meron namang ipinagmamalaki pero nagta­taka lang ang mga nakapanood kung sino ang ka-chat niya dahil pati raw ang puwet nito ay ibinubulatlat niya at itinatapat sa camera. Girl o boy ba ang ka-chat niya?

BOOM: Si Tom Taus ang taga-showbiz na kilala naming nagdi-DJ kaya tinanong namin kung isa ba siya sa mga DJ na nag-perform sa kontrobersyal na event ng Close Up na kung saan limang tao ang namatay.           

Nagpasalamat si Tom at hindi raw siya napasama roon. Pero aware raw siya na sa mga ganung event ay talagang talamak ang pagkakalat ng dro­ga na tinitira ng ilang mga taong dumadalo, na kara­miha’y mga kabataan.

Minsan daw harap-harapan ang pag-aalok na naki­kita niya mismo pero never daw siya sumusu­bok ng ganun.

Dahil diyan, tiyak na maghihigpit na raw sa mga susunod na ganung klaseng event. Mabuti na rin daw iyun para maproteksyunan ang mga taong hindi naman nagdudroga, lalo na ang mga kabataan.                                                                  

vuukle comment

LEYTE LEG

MAASIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with