^

PSN Showbiz

Babaeng midget nagka-lovelife sa normal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ano nga ba ang pakiramdam ng isang tao kung ang kanyang kaanyuan ay kakaiba kaysa sa nakasanayan at tinatawag nating normal? 

Unano, pandak, bansot at kung anu ano pang mga taguri at bansag ang naranasan ni Lorna hanggang sa kanyang pagdadalaga. Bagay na kanyang nakasanayan at tinanggap dahil siya’y ipinanganak na isang “midget” at siya’y guma­ga­law sa mundo ng mga “normal” na tao.

Pero magbabago ang buhay ni Lorna ng du­ma­ting sa buhay niya si Teddy, isang lalaking normal ang height at pangangatawan. 

Liligawan at paiibigin siya nito sa kabila ng pagtutol at pangungutya ng mga taong nakapa­ligid sa kanila. Hindi papipigil si Teddy sa isinisigaw ng kanyang puso kahit pa noong una ay pag­dudahan ni Lorna ang kanyang intensyon.

Sila’y dalawang tao na magkaiba ang pisikal na kaanyuan. Dalawang puso na pinagtagpo ng tadhana. 

Ito ang kwento ng pag-ibig at buhay pamilya nina Lor­na at Teddy Francisco sa episode na pi­­na­ma­ga­tang My Little Wife, na gagampanan nina Jay Ma­nalo, Hiro Peralta, Shyr Valdez, De­braliz, Mar­nie Lapus, Elle Ramirez, Analyn Barro, Nikki Co at Josephine Berry.

Mula sa direksyon ni L.A. Madridejos, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with