^

PSN Showbiz

Jennylyn at Dennis hindi seryoso sa kanilang relasyon!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Wala pang bagong teleserye sa GMA 7 si Jennylyn Mercado. Kailangan muna niyang mag-renew ng kontrata dahil magtatapos na ito this May. Kaya hindi pa nito makumpirma kung gagawin nga niya ang Pinoy remake ng hit Korean novela na My Love From the Star at makakapareha dapat si Alden Richards.

Sa sagot ni Jennylyn sa isyung magtatambal sila ni Alden Richards sa MLFTS, alam nitong may AlDub Nation fans na nag-aalburoto.

“Kung kami nga ni Alden ang magiging magkatambal, why not? Sana matuloy at kung gusto ko ang project, oo naman. Sino ba ang hindi magkakagusto sa magandang project na ‘yun? Para sa akin, hindi kailangang magalit sa akin ang fans. Hindi makakaganda sa kanila (sa fans) at medyo off sa mga sinusuportahan nila kung mang-aaway sila. Mabuti na lang at sanay na ako sa bashers, hindi ako sumasagot kahit ano pa ang sabihin nila,” pahayag ni Jennylyn.

Habang wala pang teleserye, sa cooking show na CDO DISHKARTE OF THE DAY  kung saan, magsi-share si Jennylyn ng mga putahe na magagawa sa isang klase lang ng pagkain. Mapapanood ito starting this Sunday sa GMA News TV.

Si Dennis Trillo ang isa sa first guest ni Jennylyn at pareho sila ng sinabi ng aktor na walang label ang relasyon nila at hindi pa siya handa sa seryosong relasyon.

This Time at Just the 3… parehong milyones na ang kinita!

Nakakaintriga ang tweet ni director Nuel Naval na “Padded shoulders: 80’s fashion staple” at “The truth will set you free.”

Tama ba ang interpretasyon ng mga nakabasa sa tweet ng director ng This Time na may kinalaman sa box-office result ng Viva Films movie na This Time at Star Cinema movie na Just The 3 of Us ang tweet ni director Nuel?

May nabasa kaming post sa Instagram (IG) ni direk Cathy Garcia-Molina na nagpapasalamat sa mga nanood ng Star Cinema movie. Nagpaalala rin siyang panoorin ang This Time at tangkilikin ang pelikulang Pilipino.

Anyway, ang maganda nito, parehong kumita ng milyones ang dalawang pelikula.

Alden magagastusan na ang sarili, bahay na ipinagawa tapos na

Napanood namin ang video ng blessing ng bagong bahay nina Alden Richards sa may Nuvali, Sta. Rosa, Laguna. Mabuti at hindi pa nakakaalis ang aktor nang ipa-bless ang kanilang bahay.

Ang mga susunod na kikitain ni Alden ay puwede na sigurong para sa sarili niya.

Aljur nakakaarte na

Nagpasalamat si Al­j­ur Abrenica sa mga na­nood at patuloy na su­musubaybay sa Once Again nila ni Janine Gu­tierrez. Thankful din ang aktor sa positive feedback ng viewers sa classic drama series na mahusay na idinidirehe ni Don Michael Perez.

Mas lalong ikatutuwa ni Aljur ang comment na may chemistry sila ni Janine at ang gustong marinig ng aktor na mas mahusay na ang acting niya rito sa Once Again. 

Sa presscon, nabanggit ni Aljur na gusto niyang makita ng tao ang pagma-mature niya bilang aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with