^

PSN Showbiz

Nora nanghingi ng tawad para magkatrabaho uli

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Wala ni munti mang hiya na inamin ng Superstar na si Nora Aunor na tagumpay ang ikalawa niyang pakikipag-areglo sa pamamagitan ng mamamaha­yag na si Baby K. Jimenez sa pamunuan ng ABS-CBN para makalabas ng Maalaala Mo Kaya.

Kahit nasa bakasyon si Charo Santos na siyang nakakaalam at namumuno ng pangunahing drama anthology ng bansa ay nagawa ng magaling na aktres na mailagay sa ayos ang kanyang paggi-guest sa programa para sa Mother’s Day Special nito.

Lost ako nang una akong lumapit sa network. Wala si Charo (Santos, the show’s host). Kahit humi­ngi na ako ng tawad sa mga naging kasalanan ko sa kanila at nangakong hindi ko na sila bibigyan ng problema sa set ay no effect pa rin. Wala kasing ma­ka­pagbigay ng decision, only Ma’am (Malou, unit head ng MMK) made it happen. Pang-apat ko na ito sa MMK,” pagtatapat ni Nora.

“Maganda kasi ang istorya, bagay na bagay sa okasyon kaya tinarget ko, mabilisan lang. Malungkot ang mga nakaraang Mother’s Day celebration ko, palagi akong umiiyak. At never naman nawala sa listahan ko ang paglabas sa show,” dagdag pa ng artista na dumating ng walang kaabug-abog sa napaka-tahimik na presscon na ipinatawag ng Kapamilya Network at dinaluhan lamang ng ilang Noranians na kagawad ng entertainment media. May isa o dalawang Vilmanian akong naka-table at naroon sila para ipaabot ang pagbabalik ng isang Nora Aunor sa ABS-CBN. Isang simpleng pagsasama ng press para sa “pag-uwi” ng bahay ng isang ma­galing na artista.

Masisilayan si Nora sa MMK ngayong Sabado, para sa Mother’s Day cele­bration nito bilang isang inang si Yolly na gagawin ang lahat para sa kanyang limang anak na ang apat ay mayroong disorder at nakatakda nang mamatay dahil hindi compatible ang genes nila sa kanilang mga magulang. May down syndrome ang panganay, may cerebral palsy naman ang pangalawa at ikatlong anak. Tanging ang pangapay lamang ang normal.

Makakasama ni Nora sa episode sina Joel Torre, Angeli Bayani, Junjun Quintana, Gloria Sevilla, John Vincent Sevilla, Dentrix Ponce, Amy Nobleza, Chunza Lili, Patrick Sugui, John Michael  Gacayan, Celine Lim, Faye Alhambra, Tony Manalo, Suzette Ranillo, Krisrel Fulgar, Marithez  Samson, Eliza Pineda, Ana Deo, Mike Ramos at Gem Ramos. Ang naturang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz dela Torre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with