^

PSN Showbiz

True kaya? Zsa Zsa sumuko raw sa bad temper ng ex?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Uy common knowledge pala sa elite circle ang pagkakaroon ng bad temper ng ex ni Zsa Zsa Padilla na si Architect Conrad Onglao.

Ayon sa isang nag-text sa akin, nagulat nga raw sila na medyo nagtagal pa ang dalawa at umabot pa sa wedding proposal.

Alam na raw nilang matagal ang bad temper nito.

Well, hindi natin siya kilala ng personal kaya mahirap mag-judge pero credible ang ka-text ko ha!

Gusto na ring magka-apo Mega gustung-gusto si Aly para kay kc

Gusto na palang magkaapo ni Megastar Sharon Cuneta. As in pag nakaapo raw siya, kikidnapin niya at dadalhin sa isang castle.

Nabanggit ito ni Sharon nang matanong kung pabor ba siya sa kasalukuyang nali-link na Azkals  player sa panganay na si KC Concepcion.

“Actually I want grandchildren kasi, I will kidnap them. Lahat ng mga anak ko mula kay KC, Frankie, Miel, kapag nagkaanak sila pagdating ng araw, ‘di na nila makikita ‘yung mga anak nila dahil nasa akin na lahat. Bibili ako ng castle, ‘yun ang kailangan nilang hanapin,” kuwento niya kahapon sa grand welcome presscon ng The Voice Kids para sa pagpasok niya bilang coach.

So favor siya kay Aly Borromeo na makarelasyon ng anak?

“Let’s put it this way: If this was 20 years ago, then a man like Aly came into my life, and took care of me, ‘yun ang sasagutin ko siguro.

“I don’t mean to put down anybody. I’m just saying na napakabait na bata and very respectful towards us and I see how he treats KC. They are getting to know each other. So, I’m very happy and thankful,” pahayag pa ni Shawie kahapon na nang dumating sa presscon ay obvious na pumayat na nga.

Beside, cool guy daw si Aly. Pero naka-depende pa rin daw ang decision kay KC.

(Ang pagiging UN ambassador nga pala ni KC ang dahilan kaya hindi siya nakakasama sa kampanya ni senatoriable Kiko Pangilinan.)

Anyway, wala namang care si Ate Shawie kung papalitan niya si Sarah Geronimo sa The Voice Kids. Besides, noon pa raw ini-offer sa kanya ang The Voice, bago siya nag-transfer sa TV5.

“First of all, it happens in the business every once in a while that a good artist decides to do other projects and then naturally somebody has to take her place. In this case, I don’t think na kung sinu-sino lang si Sarah. Sarah knows exactly what she’s doing. She’s a great singer and a performer and I admire her. 

“The mere fact na umalis ‘yung bata, hindi ibig sabihin na parang ‘o sige, ikaw na lang,’ parang panakip-butas. Kasi hindi din kukuha ang staff at ang bosses ng The Voice Kids ng kung sino lang. Since madami na din akong na-coach sa Star Power at matagal na ako sa showbiz, I consider it an honor to be part of the show.

“I love Sarah. There should not be a problem,” mahabang sagot ni Mega.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with