^

PSN Showbiz

Dennis natulala sa katawan ni Kim

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sayang at umalis agad si Kim Domingo sa presscon ng Juan Happy Love Story. Pansamantala lang pala siyang hiniram sa taping ng Bubble Gang at pagkatapos ipakilala ang buong cast, bumalik din agad sa taping. Hindi siya na-interview ng one-on-one at biro nga ng isang reporter, hindi man lang niya natanong ang vital statistics ni Kim.

Dahil wala na sa venue, hindi napag-react si Kim sa kilig na pahayag patungkol sa kanya ni Dennis Trillo. Sabi kasi ng aktor, natulala siya the first time makitang naka-two-piece si Kim dahil sa sobrang kaseksihan. Dagdag pa nito, kahit sinong lalaki ang makaeksena ni Kim ay mai-intimidate ‘pag nakita ito nang harapan.

Sigurado rin si Dennis na marami ang maiinggit sa kanya dahil kaeksena niya si Kim na bagong pinapantasya ng kalalakihan ngayon. Nang biruin si Dennis na baka magselos si Jennylyn Mercado sa pahayag niya,

“Matagal na kaming artista at ang mga ganyang problema ay hindi na namin ini-entertain. Happy kami para sa isa’t isa, mas importante ‘yun sa selos,” sagot nito.

Showbiz couple hindi nagkasundo sa cool off!

Ayon sa isang source, totoong break na ang isang beautiful showbiz couple (BSC), pero one month pa lang pormal na naghihiwalay ang dalawa. Kung dati’y tsika-tsika lang na hiwalay na ang BSC, ngayon ay totohanan na ang balitang ito.

Ang feeling ng common friend ng BSC, na-fall out of love ang isa sa kanila. Ang sabi, ang unang usapan ng dalawa ay magko-cool off muna sila at aayusin pa ang kanilang problema.

Kaya lang, hindi tinanggap ng isa sa couple ang hiningi ng isa na habang cool off sila, bawal silang makipag-close sa iba. Naisip yata nitong unfair ang ganu’ng usapan kaya hindi ito pumayag. Ang nangyari, natuloy sa break-up ang cool off na una nilang usapan.

Malulungkot ang fans ng BSC sa balitang ito lalo na ‘yung mga umaasa na malulutas pa ng dalawa ang problema sa kanilang relasyon. Ang ibig sabihin, wala na tayong makikitang pictures na magkasama sila sa social media accounts nila.

Isko tinutulungan pa rin ni Kuya Germs

Suportado ng mga kaibigang artista at dating kasamahan sa Monday group ng That’s Entertainment  ang pagtakbong senador ni Manila Vice Mayor Isko Moreno. Binanggit nito sina Harlene Bautista, Isabel Granada, at Glydel Mercado. Si Glydel pa nga raw ang nagdidikit ng poster ni Isko na labis nitong ipinagpapasalamat.

Number 15 ang ranking ni Isko sa latest survey, pero naniniwalang makakasama sa 12 winning senators. Kabilang sa plataporma niya ay para sa education, health care, housing needs, mga kailangan ng magsasaka at employment. Ito’y dahil nakita niyang maraming Pinoy ang walang trabaho.

Aminado rin si Isko na malaking tulong ang dating pagiging artista niya pagdating sa recall sa mga tao. Sa mga may edad na 30-50 years old, kilala siya bilang member ng That’s Entertainment at ‘yung nasa edad na 18-25 years old ay kilala siyang Vice Mayor ng Manila. Hanggang ngayon daw ay pinakikinabangan pa rin niya ang That’s Entertainment  ni German Moreno.

Nangako si Isko na magtatrabaho nang husto ‘pag nabigyan siya ng chance at pinalad na mahalal sa senado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with