^

PSN Showbiz

Hiwalayan nina Zsa Zsa at Conrad mabigat ang dahilan?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang paghihiwalay ng engaged couple na sina Architect Conrad Onglao at Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

It was in April 2014 nang maging item sina Zsa Zsa at Conrad na nagkakilala dahil sa kanilang common friend na si Megastar Sharon Cuneta.

August 30, 2015 naman nang mag-propose ng marriage si Conrad kay Zsa Zsa at balak sana nilang sa Florence, Italy ito ganapin.

Bumalik na sa kanilang tahanan ng yumaong Comedy King na si Dolphy sa Marina Bay si Zsa Zsa at tuluyan nitong nilisan ang tahanan ng kilalang arkitekto na si Conrad sa San Lorenzo Village in Makati.

Siguradong matindi ang naging dahilan kung bakit nag-alsa balutan si Zsa Zsa at bumalik sa dating lovenest nila ng yumaong comedy king na nakasama ng Divine Diva sa loob ng 23 years.

Mga Pinoy nagkalat na rin sa Guam

Sa imbitasyon ng “Filipino Godfather” in Guam, ang businessman na si G. Emilio Uy ay nakadaupang-palad namin si Sen. Dennis Rodriguez at ang kanyang napakagandang maybahay na si Gng. Lena Quittugua Calvo-Rodriguez at dalawa sa kanilang tatlong anak na sina Ashley Denise (20) at ang bunsong si Daniel Gabriel (3). Wala roon ang kanilang second child na si Dennis Gregorio (9) sa brunch na ginanap sa Sagano Japanese Buffet Restaurant sa Onward Beach Resort Hotel sa Tamuning, Guam last Sunday. Former actor Bojo Molina and his family joined us ganoon din ang tatlong kilalang veteran fashion designers ng Pilipinas na sina Richard Papa, Edgar Madamba, at Edgar San Diego who were all invited to Guam ni Mrs. Lena Rodriguez to showcase Filipino fashion designs.

Kasama rin sa brunch ang may-ari ng Chick Boy Music Lounge na sina Techie Torres at Joe Morato, my daughter Aila Marie, pamangkin kong si Lorena Amoyo Esperas at ang pamangkin ni Emilio na si Kathy Ordoñez.

Kahit hirap nang lumakad si Emilio, he makes it a point na naglalaan pa rin siya ng oras sa kanyang mga kaibigan hindi lamang sa Guam kundi maging sa kanyang mga Filipino friends na dumadalaw sa Guam.

Samantala, isa si Sen. Dennis Rodriguez sa mga nagsusulong ng batas na ma-waive na ang visa papasok ng Guam para sa Pilipinas at Vietnam sa tulong ni Guam Gov. Eddie Calvo at Congresswoman Madeline Bordallo, ang Guam’s delegate to the US Congress. Kapag nangyari ito, lalong magbu-boom ang turismo sa Guam lalupa’t nakapasok na rin sa bansang iyon ang Cebu Pacific bukod pa sa Philippine Airlines.

Si Sen. Dennis Rodriguez na Filipino ang mga magulang but was born and raised in Guam ay siyang chairman ng Committee on Health, Economic Development, Homeland Security, and Senior Citizens.

Ang mga Filipino sa Guam ang biggest second community next sa mga local Chamorros.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with